MisterSenpai
Eternal Poster
- Joined
- Sep 21, 2018
- Posts
- 574
- Reaction
- 305
- Points
- 297
"Paglabag ko sa katotohanan"
Ibang-iba ako noon kesa ngayon
Noong ako'y mapag-isa sa sarili kong panahon
Ay doon ko na lamang nalaman, ang pag-ibig ay kasalanan
Nagagawa ko na ang dating di kayang gawin, yan ang aking napatunayan
Mga bagay na di mo lubos inaakala, ay siya mo palang nagagawa na
Mga bagay na akala mo ay hanggang akala lang, yun pala'y masama na
Gaya ng pagtingin ko sayo, labis ang aking paghanga
Doon ko napagtanto, mga kasalanan kong nagagawa
Kriminal na ang turing ko sa sarili kong pagkatao
Simula noong nag-umpisa akong, nahulog sa pagkatao mo
Nagagawa ko nang MAGNAKAW ng mga bagay na di dapat ay sakin
Ang pagnanakaw ko ng tingin sayo, ay lubos kong inaamin
Nagagawa kong magsinungaling, sa katotohanang aking nililihim
Nilalabag ko na ang kagustuhan ko, na ikaw ay aking ibigin
Umiiwas ako sa tamang landas, kung saan ay landas mo
Sa tuwing tayo'y magtatagpo, hindi ako nagpapahuli sa'yo
Kasalanan man ang maglihim sa taong mahalaga sayo
Subalit, ako'y naglihim pa rin ng katotohanang itinatago ko
Pagkat ako'y naduduwag sa maaaring maging resulta nito
Baka ako'y mabihag na, ng sarili kong pagkabigo
Subalit, sinubukan kong magnakaw pa rin ng tingin sa katulad mo
Kahit alam kong makasalan, ginagawa ko pa rin ang kasalanang ito
Pagkat ang kaligayahang idinudulot nito sa aking pagkatao
Ang siyang labis na humuhubog, sa pagiging makatao ko
kung gusto niyo visit kayo sa poetry blog ko salamat
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
cutemedievil
Lightrash
madogou
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.