What's new

Closed Payo~

Status
Not open for further replies.

Flying Potato

Honorary Poster
Established
Joined
Aug 14, 2017
Posts
792
Reaction
184
Points
254
Age
30
MGA ka PHC pa payo naman IT student ako pero mas na eenjoy ko yung pagdedesign at more on Hardware. lalo na sa arduino pero di ako kagalingan sa programming ano po payo nyo ? gusto ko sana maging web developer kaso luck ako ng knowledge sa javascript at php. baka meron po kayong website or any tutorials to build a website kahit pinaka basic salamat.
 
Since sa Design ka magaling, Pwede ka ma-linya sa Web Designing. Pag-aralan mo Bootstrap and more on css..
In terms sa programming kung basic pwedeng pwede sayo ung You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. .. Goodluck Brader!
 
JaDyn ty sir. hindi po ba kasama yung javascript sa web designer ? at alam ko po yung bootstrap malaki mababawas sa css pag ginamit. ty sir ulit!
 
Pagaralan mo mga ito.
1) HTML
2) CSS
3) Photoshop

Sabi mo mahina ka sa programming pero kung gusto mag advance as web designing, you need to learn JavaScript and one of the server scripting language like PHP. Wala kang kawala.

Best advice for you, break the hurdle. Pag-aralan mo ang concept ng programming. Do not learn the code, learn the CONCEPT. :)

Pag lahat yan napag aralan mo......another door of opportunity will open for you.... pag-aralan mo uli kun ano man yan.

Goodluck
 
codyscott sir haros crud lang ata natutunan ko at pagddesign ng database pinakanahihirapan lang ako is sa looping parang kahit anong aral ko di ko magets lalo na pag may mga value na in summary mahina ako sa logic. sad.
 
looping?
again, balikan mo siya at pag aralan. Tutukan mo yung CONCEPT.

...parang ganito ang concept nyan (one of the few)

1) labada = 100 na damit
2) kunin ang isa at labhan
3) tapos na itong isa
4) meron pa bang lalabhan? (meron pa or wala na)
5) pag "meron pa", go to step #2 (tapos #3 then #4) <---- maglo-loop and loop and loop siya
6) pag "wala na", tapos na ako (exit the program)

in code #1 sample
----start of code-----
int labada = 100;
do {
System.out.println("Kunin ang isa at labhan");
System.out.println("Tapos na itong isa");
labada = labada - 1;
} while(labada > 0);
System.out.println("tapos na ang paglalaba. Exit na ang program");
----end of code-----

in code #2 sample
----start of code-----
int labada = 100;
for(int i=labada; i > 0; i--) {
System.out.println("Kunin ang isa at labhan");
System.out.println("Tapos na itong isa");
}
System.out.println("tapos na ang paglalaba. Exit na ang program");
----end of code-----

Database CRUD naman, mapa SQL or MySQL or other databases, it's all the same CONCEPT


OOP (object oriented programming) naman ay ganito. Isipin mo lang na you are creating a MODEL of a real world object. Everything is object.
Halimbawa, gagawa ka ng "Karinderia System". Ano yung mga OBJECTS na nasa "Karinderia"?
1) ulam
2) kanin
3) inumin
4) sandok
5) kutsara
6) baso
7) plato
(of course, marami pang iba, pero yan lang mga yan interasado tayo, for example)
Let's make a model of "ulam", halibawa.

code ulam
----start of code-----
public class Ulam {
private String name;
private String color;
private double price;
private boolean matamis;

public void setName(String ulamName){
name = ulamName;
}
public void setColor(String ulamColor){
color = ulamColor;
}
public void setPrice(double ulamPrice){
price = ulamPrice;
}
public void setMatamisBa(boolean kungMatamis){
matamis = kungMatamis;
}

public String getName(){
return name;
}
public String getColor(){
return color;
}
public double getPrice(){
return price;
}
public boolean matamisBa(){
return matamis;
}
}

----end of code-----

Tapos later on pag nagawan mo na ng object class yung ibang OBJECTS sa karinderia, ang susunod na object mo ay "class Carinderia" at dyan mo na ima-manipulate yung buong system. Just one of the many ways.

Another example ng OOP, a fruit. Halimbawa, gagawa mo ng class model yung "mangga"
It has attributes like "String name, String color, boolean maasimBa, int ilangPiraso".
O kaya bahay, puwedeng mong i-model na object. Class bahay has attributes like "String type, int numberOfRooms, int numberOfDoors, boolean isBungalow"

String is an OBJECT in Java. If you check the documentation, it has attributes, it has functions.


Ang MVC naman (model view controller), pag aralan mo na lang ito pag medyo comfortable ka na sa programming mo.
Basically ang MVC ay separating the "task" of coding the UI sa data by using a controller in between. So that pag may binago sa data, hindi ma-aapektuhan yung UI....and vice versa.
Ang MODEL ay yung data.....ang VIEW ay yung user-interface (or display)....yung CONTROLLER ay yung code na magmamanipulate sa data para i-display sa view.

****ang haba ng storya ko ano?******
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top