- Kung hindi pandemic, i-rerecommend ko sa'yo na lumabas ka, maraming kang mga makikitang prosesong pang araw araw na tingin mong pwedeng iproseso gamit ang computer.
- check government agencies, yung ibang mga ahensya natin nagsisimula pa lang magtaguyod ng mga systems at yung iba dyan naghahanap ng mga researcher at programmer, though magiging problema mo dito ay kadalasan sobrang bagal nila mag reply (based from my experience ay around 6 months)
- check small businesses, try mo maghanap ng mga small businesses dyan sa labas, hingin mo yung proseso ng business nila, gumawa ka ng mga requirements na hinihingi sa Business Process Analysis tas i-integrate mo na din sa Software Development.
- check existing systems, napansin ko bihirang gawing capstone ang mga prosesong nagawa na, try mo humanap ng mga existing apps na tingin mo na kailangan pa ng maraming improvements o kailangan baguhin.
- check other fields, tulad ng agriculture, commerce, crowdsourcing, outsourcing baka tingin mo may proseso na pwedeng i digitize doon.
- check your hobby, pwede ninyong gawin research ang field ng hobby ninyo.
- Sa pananaw ng panel, walang maganda, walang pangit, yung katanungan dito ay kung magagamit ba yung research/system ninyo, o kung may sense ba ito. Kaya make sure sa Chapter 1 pa lang na define niyo na agad yung goal/objectives ng study ninyo, motivation niyo kung bakit niyo pinili yung study na yan dahil babalikan kayo ng mga panel pag nag discuss na kayo sa methodology at synthesis kung hindi tugma yung mga dinefine ninyo sa Chap 1, gigilingin kayo na may dinagdag na patatas at green peas.
Ito long answer sa tanong mo:
Sa university namin, max. of 3 members lang per group,
habang nag iisip kayo ng topic, siguraduhin ninyo na kaya ninyong gawin yung paper
at yung system base sa dami ng miyembro ninyo sa grupo. Maraming mga top students samin na nawawala sa rankings dahil binagsak sa capstone/thesis dahil maganda ang paper pero hindi nila kayang gawin yung system.
Sa experience ko ngayon, 3 kami sa grupo, tinanggal ko yung isa dahil walang kwenta kaya 2 na lang kami, wala naman gaanong naging problema dahil sa una pa lang gumawa na kami ng mga strategy tulad ng paggawa ng
Work Breakdown Structure at
Gantt Chart para alam naming dalawa yung naka assign samin at laging may naka schedule na meeting kung behind o ahead ba kayo sa papel at system ninyo.
Title Page
Acknowledgement -
pag patapos na kayo simulan niyo na to
Project Context -
pag patapos na kayo simulan niyo na to
Table of Contents -
pag patapos na kayo simulan niyo na to
List of Figures -
pag patapos na kayo simulan niyo na to
List of Tables -
pag patapos na kayo simulan niyo na to
Chapter 1: Introduction -
ito pangalawa o pangatlo
Chapter 2: Review of the Related System (RRL) + Review of the Related Literature (RRS) -
ito unahin mo
Chapter 3: Methodology -
ito pangalawa
Synthesis -
sabay mo sa methodology
Chapter 4: Results and Discussion -
ibase mo sa methodology + synthesis (nandito mga computation mo)
Chapter 5: Conclusion -
ito yung analysis mo sa Chap 4, make sure i define ninyo na na-meet ninyo yung objecitves ng research ninyo
Chapter 6: Recommendation -
ito ihuli mo
Appendix -
pag patapos na kayo simulan niyo na to (questionnaires completed, transcript, documents, etc..)
RRL + RRS muna gawin ninyo, ihuli ninyo ang Introduction para mas tugma at mas may sense yung magiging content ng Chap 1 dahil nagawa niyo na ang Chap 2.
Ito short answer sa tanong mo:
Typically pag sa capstone/thesis
isa o
dalawa lang ang napapansin kong programmer, the rest ina-assign sa papel at yung matitira ay sa presentation.
Sa development hinati namin agad yung grupo sa
Front End Development at
Back End Development tas gawa na din kayo ng repository sa
Github para makita niyo codes ng bawat isa.
- Time Management - Sa university namin, 4 terms lang kami per year tas sa isang term 10-11 weeks dapat tapos kana kaya di ko alam sa ibang school/university/college. Pero kailangan mo talaga mag allocate ng time at i prioritize yan, mas better kung stop ka muna sa mga libangan mo.
- Temper - Kung mag c-client base ka, mag practice ka na din pano magtimpi, marami diyan mabagal magbigay ng requirements tas marami din dyan na pabago bago requirements. Balikan mo na lang pag tapos na capstone mo haha. Shawarawrt sa mga government agencies dyan na nakikipag partnership sa mga school para sa research pero mababagal at maarte magbigay ng requirements tas kami pa gagastos ng buong system.
- Pakikisalamuha at Pag iwas sa mga tamad - kausapin mo mga miyembro mo, matagal kayong magsasama, wala dapat lalamya lamya pag discussion. Kung may kailangan sipain sa grupo dahil pabigat at walang kwenta sipain niyo na agad, wag niyo na silang intayin magbigay ng rason kaya nga sila nag capstone dahil ready na sila diba? Sa experience ko, tinanggal ko ang isang miyembro dahil hindi siya gumawa ng basic user interface tas rason lang siya ng rason na "next week ko na lang isesend" hanggang sa tumagal ng tatlong buwan.
-Tamang pag p-plano lang yan.
-YôùTùbé tutorials, W3Schools, StackOverflow lang talaga, tantanan ninyo yung palusot na "hindi naman ito tinuro sa school e w/ sad face and angry react" hindi lahat ituturo sa school, matuto ka mag adapt isipin mo pag nasa trabaho ka tas may pinagawa sa'yo yung techlead sasabihin mo "Sir, hindi naman tinuro samin sa school yan e" hindi ba pangit pakinggan?
OTHERS:
- Iwasan makipag grupo sa mga kaibigan, sa university namin yung mga super ultra mega hyper BFF nagiging mortal na magkaaway dahil bumagsak sila sa Capstone.
- Kung may tamad sa grupo, sila gawin mong taga fund ng research at sa mga ρáíd libraries na gagamitin ninyo, pag ayaw tanggalin na agad. Wag kayo maawa sa mga yan, kayo mas kawawa su huli pag tumagal kayo at bumagsak pa sa huli dahil sa mga taong yan.
Pag tapos ka na, then welcome, you're now promoted from
undergraduate to
unemployed. (+50 hp, -30% time)