What's new
Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
quotes.jpg


"Patawad kung di ako perpekto"


Sa nagdaan na meron sa atin, na inakala ko at inakala mo
Ay tila ba hindi na darating sa puntong tayo'y magkakalayo
Sa sarap ng bawat ngitian at tamis ng ating titigan
Sin-lagkit ng tila ba ang isipan natin ay naglalandian

Tss..sadya nga palang may dulo ang lahat ng bagay sa mundo
Biruin mo? kahit maging mga pangako natin tila naglaho
Wala na yatang walang hanggan ang salitang katapusan
Hindi pa man din tayo nakakabuo ng pamilya, natapos na ang ating hangganan

Sa tindi ng pangako natin sa isa't-isa, sin-tindi rin ng katotohanang di tayo talaga
Na dati'y nakatayo ako na ikaw ang kasama, ngayon narito ako at literal na nag-iisa
Masalimoot na ang dating napakaligaya, na di mo maiisip na ito'y mawawala pa
Bawat pagbitaw natin ng salita, sa liwanag ng buwan na magkasama

Ngayon na di na tayo magkasama, tatanggapin ko ang karimlang ito
Ihihimlay ko na ang lahat ng ating ipinangako
At magnanais ako na makamtan ang ligaya mo
Kahit pa sa masakit na paraan, ang malamang "hindi ako"

Alam ko siguro dahil kaya ka lumisan na sa aking piling
Wala sa akin ang hanap ng nais mo at iyong damdamin
Kung nagkulang at may pagkukulang man ako noong naging tayo
Sana ngayon, patawarin mo ako kung hindi ako naging perpekto sayo


mad | pro

 

Attachments

Hindi din ako perpekto Mad. Pero wala namang taong o relasyong perpekto :)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.
Back
Top