What's new

Parang gusto Kuna huminto sa pag aaral

2nd year BS Information systems ako, aminado mahina ako sa lahat hehe pero ayun kinakaya naman eh minsan naiisip ko mag stop at mag apply nalang call center, kaso kasi naiisip ko din sayang din naman pag aaral habang kaya pa mag aral tatapusin nalang, iba din kasi pag may natapos eh. Pagpatuloy mo nalang muna. kaya natin to
 
Graduate na ako ng IT pero, i can say na mahirap talaga Minor ng IT ewan ko ba kung bakit meron pa sya kahit computer related na yung course mo pero wala kana magagawa don kailangan mo nalang talaga pag aralan mahirap o madali kaya mo yan, kinaya ko nga, ikaw pa kaya?.
mahirap lang sa una una yan 2nd year ka palang mawawala din naman yung Minor mo kapag 3rd year kana, nahirapan din naman ako dyan lalo na kapag History yung Topic tapos kailangan mong magkabisado ng pangalan ng mga Bayani at mga Dates hahaha. Pero at the end of the day ikaw padin makakatulong sa sarili mo kahit na anong hirap nyan dadali yan kapag napag aralan kahit ako aminado ako mahina ako sa Minor subjects lalo na sa Math na akala ko hindi kasali kapag IT course mo tapos it turns out na Major subject din namin sya hahaha, Goodluck sayo pre wag kang susuko kaya mo yan
 
with degree = more opportunities
no degree = less opportunities
ganyan lang yun handa ka dapat kumita ng onte kung ayaw mo tapusin
 
Hinto ka tapos hanap kang stable na trabaho, yung tipong masaya ka sa trabaho mo. Kung dyan pa lang umiiyak ka na, paano pag may ãdül† responsibilities ka na?

Feelings and struggles are temporary, pero your actions are not. Tigil ka, pag sisihan mo din yan. If you don't have any alternatives ha, kung meron at tingin mong magiging successful ka then do it. Pero kung wala. Tiis. Tiis. Puhunan mo yan kasi mas mag titiis ka pa pag ikaw na mismo ang may mga bayaring bills na dumadating every month.
 
sige po mag quit ka mag sisisi ka sa huli
pero kapag tinapos mo yan kahit ayaw mo pasukan yung minor subject mo sa huli sasabihin mo buti tinapos ko may diploma na ako ngayon makakapag work na
after mo ng college pasok ka tesda payo lang
 
Wala namang madali sa pag-aaral, dumaan din kami diyan. Tiyaga lang talaga, kapag nakapagtapos ka sarap sa pakiramdam😎💪.
 
Konti nalang yan paps konting kembot nalang. 3rdyr & 4thyr pa chill chill kanalang jan dahil major na lahat busy sa capstone 1 & 2
 
TS tiis, tiis pa. Kaya mo yan! Wag panghinaan ng loob, isipin mo parents mo na nagsisikap mapag aral ka. Hanggat may opportunity na makapag aral, tuloy mo lang. Yung mga minor mo na nahihirapan ka, tiyagain mo lang. Dagdag pasensya pa, next year focus on major subjects ka na. Wala naman madali, lahat naman pinaghihirapan. Fighting mode lang palagi. Rooting for you!

On the side, naiisip ko ang daughter ko na 1st yr ComSci ngayon sa UP Baguio. Praying na mag enjoy sya sa course nya. So far naman, nakakaraos kahit maraming math. :)
 
Naiintindihan kita paps, pinagdaanan ko narin yan. Yung mas nakaka-istress pa yung minor kaysa major subject. Masaklap pa napaka-hirap pero hindi naman related sa course mo.

Nasa mentality or mindset yan paps, advice ko sayo iadjust mo mentality mo. Reason na useless sa course mo ay already a wrong mindset. Based sa pinagdaanan ko kulang ka din ng motivation gaya ko noon, wala ako interest don sa mga minor subjects kaya wala akong motivation kaya na-iistress ako don tapos talo pa ang major subject sa dami ng quizzes, assignment, at reporting.

Kaya napaisip ako i just need to be interested and have motivation don sa minor subject but... napakadaling sabihin pero ang hirap gawin idk how or where to start. But I continued to find ways, after months of searching I realize one way. Gusto ko maging confident ang isa sa mga interest ko kasi nanginginig ako pag ako ang nag rereport so I think I could use minor subject to increase my confidence through all that reporting opportunities and other activities. We know practice makes perfect. Anyway, in short I do it that way and after gaining some progress I slowly have the motivation to study the minor subject though still stressful lalo na pag nagkakasabay sabay mga activities but at least I will not say and complain na not related or useless mga minor subject. Thus, be in the right mindset and find motivation.

When you have the right mindset, you will have the interest.
When you have interest, you will have the motivation.
When you have motivation, you want to be better.
When you become better, you'll be successful.
 
Tuloy mo lang paps sa bilis ng takbo ng mundo ngayon sayang yung dalawang taon ginugOl mo sa pagaaral ng IT pero kung may mas better kang option or plans nasa sayo na lang yan
 
hihinto ka kasi mas mahirap ang minor sa major. well ganyan talaga yang mga minor subjects na yan pahirap sa buhay ng mga studyante sa kolehiyo. ano ka ba namn college problem talaga yan, normal lang yan hahahaah😁.
pag naka graduate ka atleast may lamang ka sa qualifications kesa namn sa hindi. alam mo din bang halos lahat ng nakilala kong nag drop na may pamilya na ngayon isa lang ang sinasabi "sayang di ako nag tuloy sa pag aaral" ung iba gan wala na talagang pondo pang aral, ung iba namn bulakbol.

dont take it for granted ts, kung may nag papaaral man sayo ngayon kahit magulang mo or iskolar ka sana i tuloy mo ano ba naman ung 2years na lang.

pero kung talented or isa ka sa mga malulupit sa diskarte at kaya mo namn ma sustain ung buhay mo or atleast kaya mong kitain ung 30k above per month then why not mag stop ka, kung kaya mo lang namn.

pero kung ako sayo. mag patuloy ka hangat meron kang chance namag aral, normal lang mahirapan ts halos lahat namn.

magugulat ka na lng someday at matatawa ag na alala mo ung college days mo;).

praying for the best sayo ts.
 
haha goodluck nalang talaga , oo madami sinuswerte na undergrad un iba yumayaman pa , e papano kung di ka swertihin? ang pag aaral(diploma) plan B mo yan, mag kanda letche letche man ang buhay mo may diploma ka pa din na hawak , lalo na nasa pilipinas ka gamit na gamit yan dito haha.
 
Sayang TS hanggat may nagpapaaral o kaya mag-aral samantalahin mo, ako nga kahit comp tech 2 yrs vocational lang pinatos ko, hindi kasi kaya ng mga magulang mag 4 years BS Course, balak ko din mag IT sana kaso 3 kc kami nag aaral noon ng college kaya nagpaubaya nalang ako sa mga kapatid ko.
 
Tiis lang po TS. Wala naman nakakuha ng degree na pa-easy easy lang. Kahit pagpasok lang sa school araw araw, dun na nauubos oras mo mula umaga hanggang hapon eh need mo talaga tyaga at pasensya. Ang masasabi ko lang TS gawin mo ang best mo sa lahat ng subjects mo mapaminor or major man ito. Dagdag kaalaman din yun sayo.
 
Pag tyagaan mo lang kahit hindi related ang ibang sub, may matutunan ka pa din..3rd BSIT nga akoa meron pa ding hindi related sa course ko eh..kaya wag kang huminto 2 yrs nalang..sayang yung 2yrs na pag aaral mo hindi mo matapos..❤️❤️
 

Similar threads

Back
Top