What's new

Help Yung parents ko ay medyo na annoy sa tuition ko [slighly rant]

WizKhalifaX_

Forum Expert
Elite

AFTERNOON MGA ATE/KUYS​

Just want to rant/ask question at the same time, so yea as you know mag Se-Second Year of College napo pala ako, bali 1st Year BSIT ako ngayon and natapos na Second Sem.
Bali nag a-aral ako sa isang school which is may tuition ako since hindi sha University, yung first sem ko na tuition is "₱19,351.48" which is fully ρáíd na, meanwhile sa Second Sem ko naman na tuition is almost "₱18,713.63" then may Balance pa ako na "₱9,013.63" basically ang nag pa-paaral pala sa akin yung dalawa kong ate at yung kuya ko, si Kuya at yung isa kong ate both nasa Ibang bansa, while itong isa kong ate andito lng pero still working.

Nung first sem pa, okay panaman ang lahat like tuloy2 lng walang problema etc, hangang sa dumating na sa point na hindi ko na napagsabihan si Mama tungkol sa bayarin sa Tuition kasi masasabi ko nahihiya din ako mag ask tungkol dun, kaya ket minsa na que-question sa guro kung saan na permit eh nakapag gawa makapag exam padin kahit di pa bayad, now nung sinabi ko yun kay kuya, dito medyo na galit si kuya kasi dapat daw sabihin ko daw agad yan kay mama para daw ma sabi din sa kanya, gusto ni kuya na sasabihin ko agad in advanced pero since yun nga, saka kona nasasabi kapag andun na sa singilan.

Now fast forward, nung na fully ρáíd na ako sa first sem nag pa dala ulit si kuya para sa 2nd Sem ko at pati narin si Ate, tas binigyan pa ako pera na 1k ganun, pero napapansin ko lng, parang nag bago ihip ng hangin kila Mama at Papa, kasi mukhang mas lalo silang nag init sa akin like kahit unting mali ko lang galit na galit agad sila, isa din sa pinaka galit nila kasi nasa Computer lng ako lagi, since Online Class pa kasi kami, tas ilang ulit ko din ni Explain sa kanila na may ginagawa kakong mga projects na need gawin thru online kagaya nlg nung pag edit sa HCI namin which is gumamit kami ng FIGMA at CANVA ganun so habang tumagal, na rinig ko na nung nag sermon sila mama at papa sa akin eh para bang sinabi nila sa akin na;

"Imbes na sa amin nlg eh hindi na kasi sayo nlg napupunta ang lahat, kasi bayad sa tuition, sa pag aaral"
So parang dito na mention nya na imbes daw sana yung ipapadala ni kuya at mga bigay ni ate na pera is sana sakanila nlg daw sana lahat yun pero ma hahati daw kasi mas malaki padaw yung pang bayad sa tuition ko, so parang ganito, medyo na aano din ako kasi bakit ganun like, pati narin sa kuryente sa akin sinisisi at gamit ko lng naman is low end na pc, tapos electricfan na maliit, pero ako sinisisi pag tumataas yung bill ng kuryente samantala si Mama yung kwarto nya naka Aircon tas may mga Ref din kami, pati rin si Papa lahat ng init sa akin inaano like kahit mga unting mali, tas pag may mga nawala shang gamit ako sinisisi kahit nasa pc lng naman ako lagi, may one time din kasi na nasabi ni mama na, isa daw sa dahilan kaya ganito si Papa sa akin, dahil yun nga Imbes na yung mga Anak nya daw (which is yung mga kuya at ate ko) imbes daw na sakanya mag bigay ng malaki eh hindi, kasi mas napapabor daw sa akin.

Hindi ko lang talaga ma intindihan bakit ganito, hindi din naman ako nag pabaya sa pag-aaral ko, kanina lng nag announcement nakasama ako sa DEAN LIST, which is ni congrats ako ng mga CM ko nung Grade 10 kahit sa ibang school sila since nakita kasi nila yung OFFICIAL FACEBOOK PAGE ng school namin na nag post at nandun pangalan ko, nung una na tuwa ako pero nawala dahil nag sermon nanaman si mama habang naka pc ako, wala na kaming pasok pero kahapon wholeday kami sa school nag practice para sa Graduation ng NSTP namin, tas at the same time awarding din namin since naka sali sa Dean List, tas yun nga nag laro nlg ako ng Farlight tas maya maya mas lalong nagalit si Mama tas yung may bandang window ko is sinuntok nya tas yung mga alikabok nahulog dito sa pc at keyboard ko kaya nag quit nlg ako sa In-game tas ni close ko mga application while ginagawa ko sinabihan nya akong Ipapatigil nya daw ako sa pag aaral ngayon 2nd year tapos yung pinadala ni kuya na pang bayad sa tuition hindi nya raw ibabayad, para daw di ako makapagaral, so yun bigla ko nlg naisip na, if ever man makapag aral ako yung 2nd year magiging normal nlg siguro di ko nlg galingan kasi sayang din pala efforts ko, ngayon ginawa ko naman lahat nag sipag ako, panay 1 mga grades ko pero di padin pala sila happy, so yea sadyang nalungkot lng talaga ako.

If binasa mo lahat ng kwento ko, ikaw kya or ate baka may maipapayo kayo sa akin or mga advice na ano ba dapat kung gawin sa ganitong situation? hindi kuna kasi alam ano gagawin ko, wala kasi akong palag kasi kapag papalag ako literal na ipapalayas talaga ako, wala din kasi dito si kuya since nasa malayo isa din yung isa kong ate, bali ako lng at si mama at papa dito sa bahay tas kasama yung adopted namin na kapitbahay which is katulong namin na mag assist2 sa mga gawin dito.​
 
Hindi ka ba tumutulong sa gawaing bahay? Apply ka na lang muna try mo sa call center.
nag-aassist po ako dun sa kapitbahay namin like kunwari sa pag kaininan sha nag huhugas ng pingan ako naman taga ligpit pagkatapos ng kumain, tas walis2, tas iba pa, pero na lessen yung iba dahil dun sa kapitbahay namin, also di ako mashado marunong mag English kaya pass muna ako sa CC kya :<
 
Gusto ko na sanang i-fast forward pero nabasa ko yung last part na "if binasa mo lahat" hahaha..

well, i kinda feel the same way pero hindi naman ganyan katindi ang sinasabi sa akin ni mama noon. Kasi nga pag usaping pera ay kahit sino mag iinit ang ulo like gaya nga ng sabi mo nahahati yung padala para sa tuition mo at sa mga utility bills.

Pag naging magulang ka rin o tumanda na rin ay mauunawaan mo na ang daming nagkaka problema nang dahil sa pera.

Sa ngayon kalmahan mo lang, iba na kasi ang panahon ngayon puro na online class eh unlike noon more on txtbooks. Wag kang ma stress unawin mo as much as you can dahil magulang mo sila, irespeto mo.

pag sinabihan ka ng hindi maganda pakinggan mo lang at manahimik dahil walang maidudulot ang pagsagot sagot sa kanila.

for the meantime, continue mo lang ang study mo and maintain your highest grades 😁.. basta wag kang paapekto isipin mo yung pangarap mo ay para sa pamilya mo rin😁
 
tama ka din kya, anyways sinabihan kona pala si kuya tungkol sa lahat tas sinabi ko nadin sa kanya na nakasali ako sa dean list, tas nag ask sha if alam ba nila mama at papa sinabi ko na di ko pinaalam tas ang ask sha bakit, tas sinagot ko lng na no need na or like alam ko na same padin mangyayari kaya mas better na di ko nlg sabihin, pero yun nga sabi nya lng na sha daw mag u-utos sa akin sa mga gagawin ko saka daw ako maka pc at mag laro ulit, para daw maiwasan yung satsat, tas alam nya na din na di pa binayad yung tuition ko pero yun nga matagal na nyang pinadala yun nakay mama lng, ang gagawin ko lng try ko pag ka Monday na maka bayad since this coming June 13 yung Graduation at Awarding, luckily no need na mag dala ng parents or kahit ano yung student lng daw at teacher so yea goods lng xD

Thank you sa advice kya, eh compile ko advice mo at advice ni kuya ko at gawin ko nlg,.
 
first of all, your parents are idiots, siguro bunga ng walang pinag-aralan, but yung root cause dito is yung pagiging irresponsible mo, yan na nga lang hinihingi ng gumagastos sa iyo hindi mo pa magawa gawa

kaya payo ko sa iyo, sundin mo lahat ng gusto nila habang wala ka pang sariling income, siguruhin mo lang na pag nakatapos ka alis ka agad sa puder nila at maging independent person, maintain the dean's list since para sa iyo iyan hindi iyan para sa kanila wag ka magpaka idiot tulad ng mga magulang mo, diskarte and target independence
 
For me lang ha, Communication is always the key. Baka nawawala kana sa sirkulasyon ng pamilya mo. Makipag bonding ka din minsan. Yes we have busy schedule pero we also have to make time in our family. Pag may rant sila sayo, whatever it is, try to be the bigger picture. Silence is Healthy but Vocalizing is Healthier. Magsalita ka din without disrespecting them, be talkative. Ikaw dapat yung mas capable kasi ikaw yung nakakapag aral ng maayos unlike nung time nila. Mag adjust adjust ka din ng konte. Kung kulang pa, mageeffort padin,

Isa pa, alam mo na siguro na ang mahal mahal pala ng tuition mo, natanong mo ba sa sarili mo na kaya mo ba or ng pamilya mo? ikaw ba ang pumili ng school mo? Why dont you try other school with free tuition or kahit yung mas mababa ang fees? Or magapply manlang ng scholarship from officials, Or mag part time job to help yourself too? kasi hindi ka naman mapupunta sa point na yan kung hindi naging partly ambitious ang lifestyle mo as a college student palang.

I am not on the side of the parents, nor you. Pero Pinoy tayo eh. Na hanggat di pa natin kaya sarili naten, na kapag hindi pa tayo nakakapagcontribute sa expenses ng pamilya, na bagkos nagiging burden pa ang tingin saten, ay wala pa tayong karapatan magreklamo at magrant. Sadly, Part na yan ng toxic gaslighting family culture naten. Wala tayong laban sa tradisyon but we can avoid it naman. Swerte na nung iba na nakaraos na sa part na yan.

There are many ways para maprotektahan mo ang inner peace mo. And never stay long in a situation na anytime pwede ka bumigay or worse magrebelde ka pa. And for sure mas ookay ang lahat kung sa sarili naten alam na agad natin kung anu ba yung dapat natin baguhin ar iadjust as part of the family.

Yung parents mo. I think matanda na sila since you have siblings abroad. Try to understand and assess the situation kahit mahirap, adjust. namnamin mo nalang kasi wala kang choice. Hindi madaling sumunod sa advices ng tao sa paligid. Hindi lahat applicable. Pero dapat alam mo kung anung dapat mong gawin. Matatapos ka din jan. And that's life. Masakit.

Yun lamang. Thank you for sharing your story.
 
Last edited:
very typical family,

hindi sa kinakampihan kita pero alam mo we have been in the same spot before, pinagkaiba lang is di ako nakapagtapos dahil sa ganyang mga rason ng magulang ko nuon,
" kung panay ikaw ang uunahin paano na tayo nyan"
"kesa mag aral ka at mapunta sayo ang lahat ng income ng pamilya, mag trabaho ka nalang ng may ambag ka"
" patayin mo ang computer malakas sa kuryente yan" kapag naman nagrent ako sa labas
" puro ka gastos sa computer na lintek na yan"
IT student din ako di naman kasing laki ng tuition mo yung sa aking nuon hahaha

to cut the long story short

ngayon na may sarili akong pamilya na at minsan dumadaing sakin ang magulang ko ito lang bukang bibig ko
" sapat lang ang income ko para sa mag-ina ko, madalas pa nga kinukulang ano ba namang trabaho na may mataas na sahod ang makukuha ng isang undergraduate?"
"kung nakapagtapos lang sana ako e di sana kahit paano makakatulong ako sa inyo?"
sabihin nyo ng masama ang ugali ko,
pero yan ang reality...

payo TS
sikmurain mo muna lahat, kapalan mo na mukha mo, pakisamahan mo ng maayos magkusa ka eka nga,
or kausapin mo ang mga kapatid mo na kapag nakagraduate ka at nakahanap ka ng work ibabalik mo yung pinang paaral sayo, saka ka magopen sa kanila ng saloobin mo
 
Siguro gusto ng parents mo na sa state university ka mag aral para maka tipid kayo sa gastos ts. Matalino ka naman at dean's lister pa. Try to transfer sa state u malapit sa inyo ts baka gumaan loob nila sa'yo.
 
Ang magandang gawin ay maghanap ka ng trabaho na kaya sumustento sa tuition mo para wala na sila masabi sa iyo. Magandang advantage mo din yun sa ibang magaaral dahil magkakaexperience ka na sa totoong buhay, unlike sa ibang estudyante na magaapply pa lang after gumraduate. subukan mo pagsabayin at magtiis ng 2-3 more years.

kung hindi mo naman kaya magtrabaho kasabay ng pagaaral mo, tangapin mo na lang ang sitwasyon mo pansamantala. wala ka kasi control dyan eh. kahit na hindi ideal support ang nakukuha mo sa tatay mo at masakit para sa iyo marinig na inaagawan mo pa siya ng sustento - on a positive side, nakakapagpadala pa din mga kapatid mo para sa pamilya mo at may pambayad pa din kayo ng bills o pagkain.

isang aral na mapupulot mo dyan ay wag mo iaasa sa ibang tao ang pagasenso mo sa buhay.

sa mga ganyan na sitwasyon, piliin mo mahalin ang sarili mo at pamilya mo. wag ka magisip ng masama na magpapadistract sayo at makakaapekto sa pagaaral mo.

wag mo masyado personalin at lilipas din yan.
 
Base of may experience mas maganda tlaga may natapos.. pero if kaya mo na magwork supportahan mo na lang sarili mo kasi balang araw ikaw sin mahihirapan dahil sa utang na loob na sinasabi.. 🤣🤣🤣 Sakin kasi nung sinabihan ako nang MAMA ko at tita ko na Palamunin lang ako samin 12years OLD pagkagabi nun Lumayas na ako until now masaya na ako sa Buhay ko na pinili.. 🥰🥰🥰
 
Lumipat ka sa public school, apply ka ng scholarship, para di ka ma sermonan. Wala bang trabaho parents mo TS, bakit sila umaasa sa padala ng mga kapatid mo?

Tumulong ka rin kasi sa mga gawaing bahay, di yung kukunin mo lang yung plato ta's ilalagay mo sa lababo. Tatlo lang naman kayo sa bahay, bakit kelangan nyo pa ng katulong. I doubt na dean's lister ka TS, kasi di mo man lang ma spell ng maayos, if too man yan, mas lalo mo pang galingan sa pag aaral para sa sarili mo, di para sa ibang tao.

Subukan mo maging independent, clean your room, do your own laundry, linis2 at tulong2 din sa bahay, pag tapos ka na sa mga gawaing bahay, saka ka na mag laro ng games.
 
For me lang ha, Communication is always the key. Baka nawawala kana sa sirkulasyon ng pamilya mo. Makipag bonding ka din minsan. Yes we have busy schedule pero we also have to make time in our family. Pag may rant sila sayo, whatever it is, try to be the bigger picture. Silence is Healthy but Vocalizing is Healthier. Magsalita ka din without disrespecting them, be talkative. Ikaw dapat yung mas capable kasi ikaw yung nakakapag aral ng maayos unlike nung time nila. Mag adjust adjust ka din ng konte. Kung kulang pa, mageeffort padin,

Isa pa, alam mo na siguro na ang mahal mahal pala ng tuition mo, natanong mo ba sa sarili mo na kaya mo ba or ng pamilya mo? ikaw ba ang pumili ng school mo? Why dont you try other school with free tuition or kahit yung mas mababa ang fees? Or magapply manlang ng scholarship from officials, Or mag part time job to help yourself too? kasi hindi ka naman mapupunta sa point na yan kung hindi naging partly ambitious ang lifestyle mo as a college student palang.

I am not on the side of the parents, nor you. Pero Pinoy tayo eh. Na hanggat di pa natin kaya sarili naten, na kapag hindi pa tayo nakakapagcontribute sa expenses ng pamilya, na bagkos nagiging burden pa ang tingin saten, ay wala pa tayong karapatan magreklamo at magrant. Sadly, Part na yan ng toxic gaslighting family culture naten. Wala tayong laban sa tradisyon but we can avoid it naman. Swerte na nung iba na nakaraos na sa part na yan.

There are many ways para maprotektahan mo ang inner peace mo. And never stay long in a situation na anytime pwede ka bumigay or worse magrebelde ka pa. And for sure mas ookay ang lahat kung sa sarili naten alam na agad natin kung anu ba yung dapat natin baguhin ar iadjust as part of the family.

Yung parents mo. I think matanda na sila since you have siblings abroad. Try to understand and assess the situation kahit mahirap, adjust. namnamin mo nalang kasi wala kang choice. Hindi madaling sumunod sa advices ng tao sa paligid. Hindi lahat applicable. Pero dapat alam mo kung anung dapat mong gawin. Matatapos ka din jan. And that's life. Masakit.

Yun lamang. Thank you for sharing your story.
Thank you so much sa resposne nato kya, (sorry if it took me a while to reply and read this) anyways tama ka nga din po pero you know kasi nung bata pa ako literal na madaldal naman talaga ako tas lagi ko sila kinakausap tas may mga bonding want ako na gusto ko gawin sana namin lahat pero para kila mama is waste of time, kaya yun nga nakikita ko na yung computer ay nag bibigay ng pansin at aliw sa akin kaya yun simula nun mas pinipili ko nlg mag computer kesa makipag usap sa kanila kasi alam na alam ko din naman mga sagutan nila..

About naman sa mag apply ng scholarship, nag enroll ako dun sa MSU IIT marami kami mga cp ko kaso yun di inabot yung score ko pero possible naman makaka pasok sa MSU IIT kapag talagang nakipag sapalaran ako sa mga EXTRA SLOT pero ang choice na dito ako mag aral is si mama lang din naman, pero as you can see fast forward nag pro-provide si mama ng pagkain at luto while si kuya naman nag babayad sa tution ko ngayon.

Pero anyways yun nga kya sobrang salamat sa response and advice mo.

very typical family,

hindi sa kinakampihan kita pero alam mo we have been in the same spot before, pinagkaiba lang is di ako nakapagtapos dahil sa ganyang mga rason ng magulang ko nuon,
" kung panay ikaw ang uunahin paano na tayo nyan"
"kesa mag aral ka at mapunta sayo ang lahat ng income ng pamilya, mag trabaho ka nalang ng may ambag ka"
" patayin mo ang computer malakas sa kuryente yan" kapag naman nagrent ako sa labas
" puro ka gastos sa computer na lintek na yan"
IT student din ako di naman kasing laki ng tuition mo yung sa aking nuon hahaha

to cut the long story short

ngayon na may sarili akong pamilya na at minsan dumadaing sakin ang magulang ko ito lang bukang bibig ko
" sapat lang ang income ko para sa mag-ina ko, madalas pa nga kinukulang ano ba namang trabaho na may mataas na sahod ang makukuha ng isang undergraduate?"
"kung nakapagtapos lang sana ako e di sana kahit paano makakatulong ako sa inyo?"
sabihin nyo ng masama ang ugali ko,
pero yan ang reality...

payo TS
sikmurain mo muna lahat, kapalan mo na mukha mo, pakisamahan mo ng maayos magkusa ka eka nga,
or kausapin mo ang mga kapatid mo na kapag nakagraduate ka at nakahanap ka ng work ibabalik mo yung pinang paaral sayo, saka ka magopen sa kanila ng saloobin mo
Ganun nga kya sobrang mag kaiba talaga lahat ng tao and yep very understandable po, and will do talaga, pero siguro talagang pag sisikapan ko talaga para makabawi di naman ako nag tanim ng sama ng loob sa totoo lng... Sadyang that time nasaktan lng ako ng sobra and hindi ko ma gets kung bakit...

Siguro gusto ng parents mo na sa state university ka mag aral para maka tipid kayo sa gastos ts. Matalino ka naman at dean's lister pa. Try to transfer sa state u malapit sa inyo ts baka gumaan loob nila sa'yo.
Okay po naman to kya, pero ang ayaw ko din is napamahal ko na din yung mga classmate ko kya eh tapos na well known nadin ako sa school, saka ang hirap if lumipat pa balik nanaman ako sa 1st year or di kaya may mga sub ako na babalikan which is hassle...

Ang magandang gawin ay maghanap ka ng trabaho na kaya sumustento sa tuition mo para wala na sila masabi sa iyo. Magandang advantage mo din yun sa ibang magaaral dahil magkakaexperience ka na sa totoong buhay, unlike sa ibang estudyante na magaapply pa lang after gumraduate. subukan mo pagsabayin at magtiis ng 2-3 more years.

kung hindi mo naman kaya magtrabaho kasabay ng pagaaral mo, tangapin mo na lang ang sitwasyon mo pansamantala. wala ka kasi control dyan eh. kahit na hindi ideal support ang nakukuha mo sa tatay mo at masakit para sa iyo marinig na inaagawan mo pa siya ng sustento - on a positive side, nakakapagpadala pa din mga kapatid mo para sa pamilya mo at may pambayad pa din kayo ng bills o pagkain.

isang aral na mapupulot mo dyan ay wag mo iaasa sa ibang tao ang pagasenso mo sa buhay.

sa mga ganyan na sitwasyon, piliin mo mahalin ang sarili mo at pamilya mo. wag ka magisip ng masama na magpapadistract sayo at makakaapekto sa pagaaral mo.

wag mo masyado personalin at lilipas din yan.
Yep literal na lumipas nga kya nag go with the flow padin ako, ngayon medyo okay nanaman wala na akong naririnig na ganyan, isa lng pinaka ayaw ni mama sakin ngayon which is yung katangahan ko like literal na panay matagal ma gising at always na lalate...

Lumipat ka sa public school, apply ka ng scholarship, para di ka ma sermonan. Wala bang trabaho parents mo TS, bakit sila umaasa sa padala ng mga kapatid mo?

Tumulong ka rin kasi sa mga gawaing bahay, di yung kukunin mo lang yung plato ta's ilalagay mo sa lababo. Tatlo lang naman kayo sa bahay, bakit kelangan nyo pa ng katulong. I doubt na dean's lister ka TS, kasi di mo man lang ma spell ng maayos, if too man yan, mas lalo mo pang galingan sa pag aaral para sa sarili mo, di para sa ibang tao.

Subukan mo maging independent, clean your room, do your own laundry, linis2 at tulong2 din sa bahay, pag tapos ka na sa mga gawaing bahay, saka ka na mag laro ng games.
Yun nga kya sa sinabi ko sa response ko sa taas is nasubokan kona then sa ngayon is parang ayoko dahil dun sa rason...

About naman sa spell san jan? or baka na typo lng ako or dahil lng sa tuloy tuloy sa pag rant ko kasi sa pag kakatanda ko medyo literal na down ako that time eh, another thing is yes po ginagalingan naman pero literal na focus lng ako sa major pero atm ngayon mukhang nahihirapan na pero kinakaya padin naman...

Next is, atm wala akong room pero yes ni cle-clean kona sha and nakikita naman nila at ito lagi nasa bibig nila atm "Ganyan sana lagi <name ko> para mas malinis tong sala at jan sa area mo" aside naman sa laundry atm ngayon ayaw ni mama na ako mag laba sinasabi nya lng na ilagay ko lng daw jan kasi mamaya na daw ganun2 etc...

ATM Di na akoa mashado naka laro ng computer games aside sa nag update yung mga games naging pang high end na eh low end lng naman pc ko kaya di na kaya, and then busy na din ako sa face 2 face namin kaya always wala sa bahay, nakapg taon lng ngayon na wala kami pasok for 5 days and cheneck ko tong notification eh dami palang resposne...

Habang wala ka pa income. Hayaan mo lang mga sermon nila. Pasok sa isang tenga labas sa kabila.

Focus ka sa pag aaral.
Yeps yan nangapo ginagawa and lahat ng mga inadvice nila sa akin pinag gagawa ko naman... thank you sa inyo kya!

Balita sayo ts still nag aaral ka paren ?
tuloy mo lang yan magbubunga ren yang pinaghihhirapan mo 😉
Yes po, 2nd year college and nasa Second Sem na..

Ito pala grade ko ngayong face 2 face na 2nd Year (dati online class ngayon face 2 face) [isa din to sa sinabi ni mama naka chamba daw ako nung 1st year na ganun grades kasi online class, then ito naman grades ko ngayon na face 2 face na]
gradess.png
 
Attachments

Thank you so much sa resposne nato kya, (sorry if it took me a while to reply and read this) anyways tama ka nga din po pero you know kasi nung bata pa ako literal na madaldal naman talaga ako tas lagi ko sila kinakausap tas may mga bonding want ako na gusto ko gawin sana namin lahat pero para kila mama is waste of time, kaya yun nga nakikita ko na yung computer ay nag bibigay ng pansin at aliw sa akin kaya yun simula nun mas pinipili ko nlg mag computer kesa makipag usap sa kanila kasi alam na alam ko din naman mga sagutan nila..

About naman sa mag apply ng scholarship, nag enroll ako dun sa MSU IIT marami kami mga cp ko kaso yun di inabot yung score ko pero possible naman makaka pasok sa MSU IIT kapag talagang nakipag sapalaran ako sa mga EXTRA SLOT pero ang choice na dito ako mag aral is si mama lang din naman, pero as you can see fast forward nag pro-provide si mama ng pagkain at luto while si kuya naman nag babayad sa tution ko ngayon.

Pero anyways yun nga kya sobrang salamat sa response and advice mo.

Ganun nga kya sobrang mag kaiba talaga lahat ng tao and yep very understandable po, and will do talaga, pero siguro talagang pag sisikapan ko talaga para makabawi di naman ako nag tanim ng sama ng loob sa totoo lng... Sadyang that time nasaktan lng ako ng sobra and hindi ko ma gets kung bakit...

Okay po naman to kya, pero ang ayaw ko din is napamahal ko na din yung mga classmate ko kya eh tapos na well known nadin ako sa school, saka ang hirap if lumipat pa balik nanaman ako sa 1st year or di kaya may mga sub ako na babalikan which is hassle...

Yep literal na lumipas nga kya nag go with the flow padin ako, ngayon medyo okay nanaman wala na akong naririnig na ganyan, isa lng pinaka ayaw ni mama sakin ngayon which is yung katangahan ko like literal na panay matagal ma gising at always na lalate...

Yun nga kya sa sinabi ko sa response ko sa taas is nasubokan kona then sa ngayon is parang ayoko dahil dun sa rason...

About naman sa spell san jan? or baka na typo lng ako or dahil lng sa tuloy tuloy sa pag rant ko kasi sa pag kakatanda ko medyo literal na down ako that time eh, another thing is yes po ginagalingan naman pero literal na focus lng ako sa major pero atm ngayon mukhang nahihirapan na pero kinakaya padin naman...

Next is, atm wala akong room pero yes ni cle-clean kona sha and nakikita naman nila at ito lagi nasa bibig nila atm "Ganyan sana lagi <name ko> para mas malinis tong sala at jan sa area mo" aside naman sa laundry atm ngayon ayaw ni mama na ako mag laba sinasabi nya lng na ilagay ko lng daw jan kasi mamaya na daw ganun2 etc...

ATM Di na akoa mashado naka laro ng computer games aside sa nag update yung mga games naging pang high end na eh low end lng naman pc ko kaya di na kaya, and then busy na din ako sa face 2 face namin kaya always wala sa bahay, nakapg taon lng ngayon na wala kami pasok for 5 days and cheneck ko tong notification eh dami palang resposne...

Yeps yan nangapo ginagawa and lahat ng mga inadvice nila sa akin pinag gagawa ko naman... thank you sa inyo kya!

Yes po, 2nd year college and nasa Second Sem na..

Ito pala grade ko ngayong face 2 face na 2nd Year (dati online class ngayon face 2 face) [isa din to sa sinabi ni mama naka chamba daw ako nung 1st year na ganun grades kasi online class, then ito naman grades ko ngayon na face 2 face na]
View attachment 2883231
Hanep na magulang yan buti n lang hindi ganyan magulang ko laban lang lods nakagraduate din ako kahit hirap kame sa pera nakakamotivate talaga pag magulang mo susuporta sayo e buti nakakayanan mo ganyan hehe
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top