lunatic
Army of the Galaxy π¨βπΌπ½π
- Joined
- Feb 14, 2017
- Posts
- 10,326
- Reaction
- 4,748
- Points
- 2,734
"PILIPINAS KONG MAHAL"
Sa silangan matatagpuan
Isang dalampasigang puno ng diamanteng kumikinang
Bansang minsan ng sinakop ng mapang-aping mga dayuhan
Ngunit ngayo'y narito, tinatamasa ang pinapangarap na karimlan
Kalayaang minsan ng naging pangarap
Ngunit dahil sa mga bayaning nagsikap
At mamamayang nagkaisa't
yakap-yakap ang bawat isa
Ngayo'y naging katuparang ganap
At sa wakas ang Araw at Tatlong Tala ay wala ng tigil sa pagkislap
Tayo'y mga pinoy
Dugong mandirigma ang sa ating mga ugat dumadaloy
Laitin ma't minsay apihin
Ngunit patuloy sa pagningning na animoy mga bituin
Ano mang hirap ay kayang harapin
Mga pangarap ay walang alintana't kayang abutin
At sa bawat umagang dumating
Mga bagyo't lindol man ay di kayang kami'y patigilin
Sapagkat kami'y mga Pilipino
Pagsuko ay di alam ng aming mga puso
Pusong palaban
Kayang harapin kahit sinong kalaban
Lakas ng mga banyaga'y kayang pataubin
Ano mang pagsubok ay di kami'y kayang pigilin
Sapagkat sa bawat laban ang Diyos ay laging kasama
Ang kanyang mga salita ang liwanag sa aming mga paa
Isang laban
Isang bansa
Isang laro
Isang diwa
Kami'y Pilipino
LALABAN NG SAMA-SAMA
MANANALO BILANG ISA
#WinAsOne
#30thSEAGames
#LabanPilipinas
-CTTO BOSS Mark..