What's new

Closed Panggatong

Status
Not open for further replies.

tikdawko

Addict
Joined
May 2, 2016
Posts
31
Reaction
9
Points
79
Ako ngayo'y isang panggatong
Winasak, hinati, at sinubukan ng panahon
Ngayo'y tigang at naglulumong lubos
Sa ilalim ng isang tungkong niluma ng taon

Ako ngayo'y isang panggatong
Nagsisisi sa mga pinaggagawa sa ibang tao
Layuning malutas mga problemang dala't makatulong
Sa halip, lumaki lamang lalo ang apoy na dala ng isang panggatong

Nakakahiya para sa isang panggatong
Magwasak at magputol ng isang relasyon
Hinulma't pinagtibay ng mga unos at delubyo
At Pinalambot ng pagmamahalang di mauubos

Nakakainis sa pagkatao ng isang panggatong
Sa suka ng mainit na labana'y nakitungtong
Di naman dapat pang nangialam bagkus
Di naman ako parte ng buhay nila, tapos.

Masakit isipin bilang isang panggatong
Nagagawa ang mga bagay-bagay na di nakakatulong
Lalo't nakakasama lamang sa tingin ng isang tao
Ang mga pinaggagawa ko na walang kwenta sa mundo

Sinusunog na lamang dapat ang mga panggatong
Sa nagbabagang uling na mala-impyerno
Dahil ano pang silbi nila mamuhay sa mundo
Nagiging salot lamang naman sa kaluluwa ng isang tao

Ako ngayo'y isang dakilang panggatong
Hindi na kailanman tagapagsiklab ng mainit na apoy
Di na nilalagay sa maitim na pugon bagkus,
Hinayaan nang kainin ng anay magmula ngayon.

-YOU LEFT THE GROUP-
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top