![if-you-sweet-love-quotes-cant-get-someone-out-your-head-maybe-su.jpg if-you-sweet-love-quotes-cant-get-someone-out-your-head-maybe-su.jpg](https://phcorner.net/data/attachments/4402/4402998-4cb5b9b1f80284f5e3b449117303b2cd.jpg)
"PANAPANAHON"
BANSAGAN mo man akong makaluma ngayon
Kahit narito sa makabagong panahon
Ipapadama ko sayo lahat nitong BIGKIS
Ililipad ko ito gamit aking mga BIGWIS
Damhin mo ang DALUYONG nitong pag-ibig ko
Ito'y DAMBUHALANG ibibigay sayo
Sa DIWATANG isang bukod tanging tulad mo
Karapat-dapat lamang mahalin ng totoo
IGUGUHIT ko ang palad at laman nito
Sa papel na aking gamit, itong puso ko
Makaluma yaring istilo kong ito
Wala nang papantay sa paghanga ko sayo
Ipapamulat ko ang ating KASAYSAYAN
Dito sa mundong ating ginagalawan
Magputi man ang langit, PAGSIBOL ng uban
Mamahalin kita ng walang katapusan
DUMUGIN man ako nang alikabok
Kailanma'y di hihinto sa pagtibok
Ang pag-ibig na ito'y sayo lamang IROG
Kahit magputi na ang ating mga buhok.
Spoiler contents are visible only to Established Members.
MABAGSIK NA LIKHA NI:
Mad`ThePoetMotivator
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.