What's new

Closed Panaginip (spoken poetry)

Status
Not open for further replies.

x3mjam07

Addict
Joined
Oct 13, 2015
Posts
12
Reaction
4
Points
65
Age
38
Panaginip

Ang iwanan ng minamahal, ay isa ngang masakit na katotohanan.
Hindi lubos maisip ang siyang tunay na dahilan.
Hanggang sa may isang panaginip, at ikaw ang nasilayan.
Humingi ng mga tanda at marami ang naganap.
Ngunit sapat na ba ito upang puso ay maniwala at maghintay?
Kung ang katotohanan ay masakit na ikaw ay iwanan ng minamahal.
Paano pa kaya ang isang panaginip na malayo sa katotohanan?

Sinubukang kalimutan ang panaginip, at tumingin sa katotohanan.
Nasilayan ang iba ngunit pagdaka'y iba naman ang nagpaalala.
Panaginip nila ay nangusap na ikaw ay para sa akin at ako ay para sa iyo.

Inilapit muli ang sarili sa isang panaginip lamang, humiling sa Maykapal na Siya ang gumawa ng lagusan upang magdugtong ang imposibleng dimensyon.

Panaginip na malayo sa katotohanan, tila ba unti-unting nagaganap.
Pakiwari ko nga'y dapat na akong maniwala at magtiwala.
Sinubukang saliksikin ang puso kung anong nararamdaman, ngunit wala naman ang mabilis na kabog ng puso.
Ngunit isang bagay ang tila ba tumagos sa aking puso, ito ay ang kaligayahang nadarama kapag nakakasama ka.

Tila ba humihinto ang mga oras at tumatagal ang mga sandali.
At dahil dito hindi kayang itago ang sayang nararamdaman.
Hindi kayang pigilan pusong puno ng kagalakan.
Oo nga at walang katiyakan,
Tunay nga na ang panaginip ay malayo sa katotohanan...
Ngunit ang sayang nararamdaman ay isang katotohanan na ikaw ang siyang dahilan.

May nagsabi sa aking ihanda ang aking puso.
Sapagkat maaari ngang magising ako na isang araw ay wala na ang mga panaginip.
Ngunit nais kong malaman mo, na kahit ikaw ay isang panaginip.
Naging masaya ako, at nagkaroon ng inspirasyon.
Hindi mo man ito marinig sa mga labi ko, manatili man ito ng panghabang panahon.
Batid kong ito ay naramdaman mo.

Ang mga panaginip at senyales na naganap ay niloob ng Diyos. Hindi para saktan ako kundi upang subukin din ang puso kung sa Kanya nga'y nagmamahal.
At dumating man ang araw na ikaw ay ibigay ng Diyos sa iba, ako ay magiging masaya para sayo.
Dahil sa bawat araw mula ng ikaw ay maging panaginip ko, kailanman ay di ka nawala sa panalangin ko.

Kung ikaw ay isang panaginip lamang.
Handa na ako upang magising sa katotohanan.
At kung ikaw nga ang sa aki'y itinakda.
Sa tamang panahon ito ay magkakaroon ng katuparan.

Anuman ang mangyari sa Diyos pa rin patuloy na maniniwala at magtitiwala. Sapagkat Siya lamang ang nakakaalam ng taong sa akin ay itinakda...

-J∅7
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top