renegade24winzam
Eternal Poster
- Joined
- Mar 14, 2013
- Posts
- 940
- Reaction
- 367
- Points
- 317
PAG-ASA
Sa napakaraming hirap na aming napagdaanan
Mga matitinding pagsubok nakayang lagpasan
Pikit matang tinanaw landas naming tinahak
Wala kaming alam kung kami ba’y mapapahamak
Anumang sigalot sabay-sabay naming hinarap
Kaliwa’t kanang tingin upang panganib ay maapuhap
Dahil pagsuong sa daang sami’y inilantad
Taimtim na nanalangin upang kami’y makausad
Taas ng bundok ang aming pilit na inakyat
Kunting pagkakamali’y bangin kami ilalapat
Sapagkat saming misyong may mabuting hatid
Hindi namin alam kung sino bang makakabatid
Sa maraming taon kami’y naghihinagpis
Para malasap ang pinapangarap kami’y magtitiis
Handang isakripisyo, lahat ng oras at panahon
Nang sa kahirapan kami ay makakaahon
Mabigat na suliranin ay aming kakayanin
Nang matamo ang lahat ng mga mithiin
Pag asang hatid ang iniatas na misyon
Upang sa karamdaman muli silang makabangon
Originally created by Chad aka renegade24winzam 10-11-17 2:17am
#travelgoalsunexpected
Ang tunay na manlalakbay walang pinipili maihatid lang ang kanilang minimithi this poem is dedicated sa lahat ng nangyare sa group namin JOURNEY CHAMPIONS Ito ang travel na di malilimutan kailanman September9,10-2017.