What's new

Closed Paano?

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Joined
Mar 10, 2016
Posts
2,867
Reaction
1,426
Points
929
Paano?

Paano maririnig kung hindi naman nakikinig?
Paano malalaman kung hindi naman aalamin?
Paano makikita kung hindi naman titingnan?
Paano mararamdaman kung manhid ka naman?

Paano ko sasabihin? Hindi ka naman interesado.
Paano ka tatawagin? Hindi ka naman namamansin
Paanong magpaparamdam? Wala ka naman.
Paano ang gagawin, hindi ko na alam.

Paano kung gawin ko lahat ito?
Sa pagkakataong yun ba, mapapansin mo?
Paano kung hindi mo lingunin?
Paano kung hindi mo pansinin?

Paano kung mapagod na ko?
Paano kung simulan ko nang umayaw sayo?
Paano kung sabihin kong manhid na rin ako?
Paano na kaya? Anong masasabi mo?
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top