What's new

Closed Paano? ano?

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Joined
Mar 10, 2016
Posts
2,867
Reaction
1,426
Points
929
Paano? Ano?

Isip ko'y naguguluhan
Sino ba ang aking paniniwalaan?
Sila na nagsasabing lahat nang ito ay tigilan
O ang puso ko na naghahanap ng kaligayahan?

Ako'y nalilito
Napapaisip nang malalim
Pakiramdam ko ba'y paligid ko'y laging dumidilim
Sa pag-iisip kung ano ang dapat kong gawin
Nawa'y sa pagkakataong ito, ako naman ay dinggin.

Maraming nagsasabi na niloloko lamang ako
Nang taong minahal ko ng totoo
Sana daw ako ay magising at aking mapagtanto
Na itigil ang lahat, at tapusin ang kalokohang ito.

Ito nga ba talaga ay kalokohan?
At likas na walang patutunguhan?
Pagmamahal na may hangganan?
Na sadyang walang idudulot kundi kasawian?

Nawa'y dumating ang panahon
Na ako'y makapag-isip at makapagbigay ng tugon
Na nagmula sa aking sariling desisyon
Na hindi nanggaling sa kanilang suhestiyon.

Aaminin kong mahirap magbitiw ng pasya
Lalo't nakapaligid ang mga payo nila
Natatakot na dumating ang panahon na ang lahat ay pagsisihan
Nang dahil lamang sa pagsunod sa payo ng karamihan.

Ano man ang aking gawin
Ano man ang kanilang sabihin
Ang huling tanong ay akin pa rin
At nasa akin pa rin kung ano ang dapat gawin.

At ngayo'y napag-alaman ko
Na sa iba'y hindi kailangang humingi nga payo
Dahil ang bola ay hawak ko
Sa akin na ang pasya kung paano ko tatapusin ang laro.

-04/09/11
 
wow ang haba ha?
di mo naman maiiwasan may mga magpayo sa iyo
gaya ng mga kaibigan mo na malapit sayo
dahil siguro kilala nila yung taong yun at ayaw ka nila masaktan
kaya ganyan na lamang sila kung magbigay ng payo
ngunit malaking tama ang punto mo
na ang desisyon laging na sayo
kaya't huwag mo nang sundin ang payo ng iba
kundi pakinggan mo kung anong para sayo'y tama

ikaw lang naman ang magdadala ng resulta.
 
wow ang haba ha?
di mo naman maiiwasan may mga magpayo sa iyo
gaya ng mga kaibigan mo na malapit sayo
dahil siguro kilala nila yung taong yun at ayaw ka nila masaktan
kaya ganyan na lamang sila kung magbigay ng payo
ngunit malaking tama ang punto mo
na ang desisyon laging na sayo
kaya't huwag mo nang sundin ang payo ng iba
kundi pakinggan mo kung anong para sayo'y tama

ikaw lang naman ang magdadala ng resulta.
Nobela yan :)
Kaya nga ganyan yung title hahaha kasing gulo ng tula
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top