- Joined
- Feb 7, 2017
- Posts
- 1,642
- Solutions
- 1
- Reaction
- 7,551
- Points
- 1,506
- Age
- 26
Guys kunding tulong nga dito.. ang tinutukoy ba sa tula e ang babae sa kwento o kung sa panlipunan.. sabi ng prof ko sa babae daw ang tinutukoy at pede rin naman ang panlipunan? Hirap kasi e ako?ang bigat ng nilalaman ng tula kaya hindi ko ma decipher yung nilalaman?Pengeng hint...
Pagpaslang
ni Joi Barrios
Paslangin ang bawat salita
na humamak sa kasarian:
****, kiri, kerida,
haliparot, talipandas,
putang ina mo.
Tiyakin ang pook, petsa at oras,
lahat ng sandali at pagkakataong
nagnakaw ng pagkatao
ang bawat kataga.
Ihanda ang sandata,
patalim na itatarak sa mga titik
na gumahasa sa kaluluwa,
baril na magpapasabog
sa bawat alaala ng pagkitil
ng puso.
Isagawa ang pagpaslang
sa araw na maliwanag,
sa harap ng lahat.
Hindi paghihiganti
kundi pagbibigay-katarungan.
Pagkat krimen ang pagbigkas
Ng mga salitang
ngayo'’y pinapaslang.
Pagpaslang
ni Joi Barrios
Paslangin ang bawat salita
na humamak sa kasarian:
****, kiri, kerida,
haliparot, talipandas,
putang ina mo.
Tiyakin ang pook, petsa at oras,
lahat ng sandali at pagkakataong
nagnakaw ng pagkatao
ang bawat kataga.
Ihanda ang sandata,
patalim na itatarak sa mga titik
na gumahasa sa kaluluwa,
baril na magpapasabog
sa bawat alaala ng pagkitil
ng puso.
Isagawa ang pagpaslang
sa araw na maliwanag,
sa harap ng lahat.
Hindi paghihiganti
kundi pagbibigay-katarungan.
Pagkat krimen ang pagbigkas
Ng mga salitang
ngayo'’y pinapaslang.