Pagka-install mo ng Macrium Reflect at gagamitin mo na sa pag-clone, may option ka na piliin lang yung OS Partition.
Alternatively, kung nakuha mo na yung Product Key ni Windows, mag-create ka ng Windows installation media sa USB at iyon ang gamitin mong clean install sa SSD para wala kang problema later on, tapos activate mo si Windows gamit yung nakuha mong Product Key. Kung ok na lahat, download mo lahat ng drivers niya sa laptop manufacturer (OEM) then update, alamin mo kung aling driver ang dapat mauna sa update.
Pros & cons sa gagamitin mong procedure.
Cloning:
Pros - wala ng reinstall ng mga ginagamit mong third party apps. Kung ano ang status niya ngayon sa HDD ay siya ring magiging status sa SSD.
Con - kasama sa cloning kung anuman ang issues mo ngayon sa OS niya. So, bago mag-proceed sa cloning, i-resolve muna kung anuman ang hinaharap mong issues sa OS ngayon.
Clean install:
Pros - basal yung OS, parang bago yung laptop, mas mabilis kaysa dati.
Con - Time consuming ang mag-download at mag-update ng mga drivers, reinstall ng mga third party apps na magiging problema kung wala na yung mga product keys/activation keys. Ise-set uli lahat ng mga preferential settings, sa OS at sa bawat app.