What's new

Closed Nasaan na ( hinahanap parin kita )

Status
Not open for further replies.

renegade24winzam

Eternal Poster
Joined
Mar 14, 2013
Posts
940
Reaction
367
Points
317
NASAAN NA?

Siguro nga’y mali, na ikaw ay iwan
Pinagpalit at dagliang nilisan !
Ngayo’y nagsisising hindi ka masumpungan
Hinahanap kita ng di lang minsanan!

Nyagon ay nasaan?, ngayon ay nasaan
Ating naaraan, pwede bang balikan?
Pagkakamali ko, pwde mo bang takpan?
Bago ang buhay ko’y maging kabaliwan

Kay bilis tanggapin sa bilis ng iyong paglisan
Di ko alintana na para bang walang karapatan
Mga paliwanag ko di mo magawang pakinggan
Ngayon ako’y tuliro ng nawala ka ng biglaan

Ngayon nasaan na?,ngayon nasaan ka?
Sa mga gabing hinahanap at kailangan kita
Pinangako mo sakin noong tayo’y magkasama
Na walang iwanan hanggang sa tayo’y tumanda na

Patawad sa mga nagawa ko sayo noon
Di ko lubos maiisip na tiniis mo ng mahabang panahon
Ito na ba ang sukli, ngayon hirap ako makabangon
Nawa’y maghimala at bigyan ng pangalawang pagkakataon

Ngayon ay nasaan?, ngayon ay nasaan?
Tinitibok ng puso ko’y muling mo sanang pakinggan
Dahil ikaw lang ang tanging nilalaman
Kaya sana pagkatok ko’y muli mong pagbuksan


Edited by Chad aka Renegade24winzam 10-12-17 12:07 am
Credits to Vantablackxx
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top