What's new

Poems Naranasan mo na bang Mapag-isa?

msstar

Forum Veteran
Joined
Mar 10, 2016
Posts
2,867
Reaction
1,426
Points
929

Naranasan mo na bang Mapag-isa?


Naranasan mo na bang magpag-isa?
Yung tipong nakahiga ka lang sa iyong kama
Sa loob ng iyong silid na madilim, habang nagcecellphone ka.

Naranasan mo na bang mapag-isa?
Malaya, kung saan lahat nagagawa
Malaya, yung tipong walang umaawat
Yung tipong hawak mo lahat.

Naranasan mo na bang mapag-isa?
Sa maraming tao; nakagilid, nasusulok
Naglalakad, nababalutan ng pagitan
Tahimik, kahit paligid ay maingay.

Kung naranasan mo na,
Ang tanong, doon ka ba masaya?

Masaya ka bang mag-isa?
Ako, minsan oo, minsan hindi
Pero alam mo, mas madalas ang hindi.

Bakit? Isipin mo
Masaya silang lahat; tumatawa, nag-uusap
Pero ikaw nananatili lang sa sulyap
Kasi di ba, kapag tumawa kang mag-isa; para kang sira
Lalo pa kapag mismong sarili mo, kinakausap mo na.

Pero alam mo yung pinakamasakit?
Yung dama mo yung pag-iisa, kahit sa iyong pagpikit
Kasabay nito yung mga luha, luhang nagsasabing... "Buti pa sila".

Buti pa sila, may kasama
Buti pa sila, may katawanan
Buti pa sila, nagtutulungan
Buti pa sila, nilalapitan.
Sanamtalang ako, pakiramdam ko nilalayuan pa.
Sana all, hindi nakakaramdam ng pag-iisa.

Pero wait, there's more my friend
Hindi naman porket may kasama masaya
Hindi naman porket mag-isa ka, dapat malungkot ka na.

Oo, may pagkakataong malungkot mapag-isa
Pero lahat naman tayo, may lungkot na nadarama
Sinadyang ganyan ang sitwasyon mo, dahil alam ng Diyos na matapang ka
At sa pag-iisa mong 'yan, matututo kang hindi dumipende sa iba.

Naranasan mo na bang mapag-isa?
Kung oo, doon ka ba nagiging masaya?

Kung kailangan mo ang yakap ko
Kung kailangan mo ang atensyon ko
Tara dito, heto
Dahil minsan ko ring naramdaman, ang nararamdaman mo.

Lahat tayo mayroong laban
Pero kung hindi mo na kaya
Nandito ako, nandito kami.

Kung lugmok ka na, kung bagsak ka na
Kaliwa at kanan, braso hanggang kamay
Halika, lumapit ka, at ikaw ay aming sasamahan.
 

Similar threads

Back
Top