Julius Novachrono
Eternal Poster
Di ko alam ang nararamdaman ko. Naiinsecure, naiinggit o baka hindi lang siguro ako makuntento sa kung anong meron ako. Hindi ko matanggap na ito lang ako. Di ko naman hiniling na mapasama ang iba pero sa tuwing nakakakita or nalalaman na ang ibang tao ay nananalo sa buhay, feeling ko, bat hindi ako ganun. Bat hindi ko kaya. Kahit sai ibang mga aspeto, bakit wala man lamang akong katalent talent or bagay man lamang na magaling ako. Bat di ako pinanganak na ganyan. Bakit malabo mata, hindi fit, bat ako ganto na di gaya ng iba. Bakit feeling ko ang suwerte suwerte nila sa buhay at ako eto, average lang, tamang lungkot lang sa tuwing nakikitang nagtatagumpay sa buhay yung iba. Pero kailanman hindi ko hiniling abg pagbagsak nino man. Masyado akong hard sa sarili ko. Di ko alam kung bakit, nanliliit ako. Nag-aral naman akong maigi, di nagdroga, ayaw na ayaw ko ang panlalamang pero lagi kong tinatanong sa sarili bat parang laging may kulang at bakit hindi ako kagaya nila, kaya nila at ako hindi. Nanliliit ako....