What's new

Help Nanliliit ako...

Julius Novachrono

Eternal Poster
Di ko alam ang nararamdaman ko. Naiinsecure, naiinggit o baka hindi lang siguro ako makuntento sa kung anong meron ako. Hindi ko matanggap na ito lang ako. Di ko naman hiniling na mapasama ang iba pero sa tuwing nakakakita or nalalaman na ang ibang tao ay nananalo sa buhay, feeling ko, bat hindi ako ganun. Bat hindi ko kaya. Kahit sai ibang mga aspeto, bakit wala man lamang akong katalent talent or bagay man lamang na magaling ako. Bat di ako pinanganak na ganyan. Bakit malabo mata, hindi fit, bat ako ganto na di gaya ng iba. Bakit feeling ko ang suwerte suwerte nila sa buhay at ako eto, average lang, tamang lungkot lang sa tuwing nakikitang nagtatagumpay sa buhay yung iba. Pero kailanman hindi ko hiniling abg pagbagsak nino man. Masyado akong hard sa sarili ko. Di ko alam kung bakit, nanliliit ako. Nag-aral naman akong maigi, di nagdroga, ayaw na ayaw ko ang panlalamang pero lagi kong tinatanong sa sarili bat parang laging may kulang at bakit hindi ako kagaya nila, kaya nila at ako hindi. Nanliliit ako....
 
ganyan din ako paps, recently kasi may mga kaklase ako na nakikita, nakakapagpundar na ng kotse, bahay at lupa ako wala pa din. samantalang nung nagaaral kami, feeling ko mas angat ako ng kaunti sa kanya. pero ngayon. ako ganito pa din, yung iba kong kaklase, nasa abroad at ang gaganda na ng buhay nila. hays.
Its all about Contentment and Acceptance.
Acceptance na hndi lahat ng gusto natin ay makukuha natin.
Contentment on things na meron ka and appreciating it.
Life is not about competing with others, its about competing with our inner self.
We all have our own journey but we all have the same destination.
Enjoy life cause we are all just passersby in this world.

Just sharing my thoughts.

*Sorry if wrong grammar
I say stop comparing. stop wasting your time & energy on the things you cannot control.

Ang problema kasi satin, we always compare ourselves to others. For me, it is wrong to set gauge/compare our lives with others kasi iba iba tayo: each one of us is unique. We all have our unique stories.

I think this is the root of all the negativity you are feeling eh. Once we start comparing, lalo na sa mga uncontrollable factors like "sya pinanganak na mayaman, ako mahirap lang" , or "siya pinanganak na matalino or magaling sa ganito, ako hindi", we will start feeling bitter/jealous/envious. Hanggang sa di mo na namamalayan, ang nakikita mo n lng lagi is ung mga bagay na wala ka or ung mga failures mo to the point na "nanliliit ka", kasi you focused too much on others. Always remember there will always be people better than you, likewise, there will always be people in worse situation than you.

I suggest you only compare your past achievements or failures to your current self. And from there, set baseline and goals ano gusto mo maachieve, one step at a time. You can also use other people's success stories to inspire you, kumbaga get ideas from them, and from there, draft your own masterplan to become better version of yourself. After all, kung kinaya nila, kaya mo din.

its a matter of mindset and choice. up to you if you want to be bitter/ self-pitying your life vs others; or be inspired so that next time ikaw na ung tinitingala ng iba.

I know its h3ll easier said than done, but kaya yan bro.
Basta live your life to the fullest, wag mo masyadong i compare ung sarili mo sa iba, i compare mo ung self mo sa dating sarili mo, even if its small impovement but atlist you move forward to be better person. Enjoy life, or bawi nalang next life kung may reincarnated ba haha
Maraming salamat po sa inyo, medyo nahimasmasan na po ako ngayon. Pero still, susubukan ko po. Thank you so much po talaga sa platform na to, kahit papano nakakapagvent out ako. Pray ko lang din na sana maging okay ang bawat isa sa atin na may mga labang pansariling kinahaharap sa buhay. Maraming salamat po
 
wag mo kumpara ang sarili mo sa iba isipin mo na unique kang tao di mo pa lang siguro nadidiskubre kung ano yon nsa iyong sarili na magpapabago sa buhay mo try to discover different things magkaron ka ng bagong hobby or hanap ka ng makakausap mo na may parehas na interes na meron ka wag ka mainggit sa success ng iba isipin mo na mararating mo din ang narating nila gawin mo silang inspirasyon wag maging negative kung may bad things ka man nararanasan always look at the bright side focus sa magiging solusyon ng problema hindi sa negative implications nito sayo
 
may some part na ganito . pero not all ganyan kasi alam ko na. alam ko na sa sarili ko kung ano ang mali. alam ko na sa sarili ko kung ano ang kailangan kong baguhin. napapa isip nga ako if i could turn back time . babatukan ko sarili ko. na ano ba ang pinagagawa ko. pero wala life is continuous , no break , no pause. tuloy tuloy lang. basta alamin mo nalang sa sarili mo kung ano ang mali. then face it wag mo talikuran dyan ka mag gro'grow and higit sa lahat find your purpose.
 
Mahirap talaga at di madali yang nararamdaman mo TS. Pero ang sagot dyan build habits. Sabi mo di ka fit, gawin mong habit ang exercise and healthy lifestyle. Try to enjoy what you have din. And work hard for the things you want.

Then ung sa talent, hindi naman sila pinanganak na magaling agad dun, nag effort sila dun (but not all have the same potential) pero most na may talent e nag effort talaga at nag pursige para gumaling dun.

Hindi madali, pero wag mo madaliin. One step at a time ang buhay lods. BUILD GOOD HABITS.


Pakinggan mo lods ung, Umaaraw, Umuulan by RIvermaya. Pampaganda mood kahit papano. HAHHAHHA
 

Similar threads

Back
Top