What's new

Closed "nang nakilala kita"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
0c39882ad1cf5a7ad22f065ff5e0fc17--youre-beautiful-my-crush.jpg



"Nang nakilala kita"



Di ko batid ang mga nagdaan sa aking karanasan
Na bumalot sa aking buhay ng puno ng kadiliman
Subalit di humantong sa isip ko ang ganitong kadahilanan
Upang manumbalik muli ang sigla ng aking karamdaman

Karamdaman na siyang umaapoy sa kandila kong tulog
Tulog na puso na hindi pa nasisilaban sa pagkabagok
Mula sa nakaraan na punong-puno ng dilim
At ngayon tila ba dumating na ang liwanag sa lilim

Kamusta ka na? pwede ko bang sabihin ito sayo?
Alam kong saglit pa lang ang ating pagtatagpo
Kahit pa ako sayo ay napakalayo
Pakiramdam ko ngayon ikaw ay malapit sa piling ko

Malayo ka nga.. literal ito
Subalit kapag sa ganitong okasyon nagkakalapit tayo
Kung kaya'y nais kitang handugan ng tula ko
Na ginawa ko lamang ngayon at nakikita mo :)

May kalakip ang bawat letra ng aking pagngiti
Huwag sanang maging lihim iting ating pagtingin
sapagkat alam ko na alam mo kung anong nagpapasaya sa atin
Ito ang tuwing magkausap tayo kahit pa sa ganitong palihim

-Madpro
Contributor: JADE <3



 
Status
Not open for further replies.
Back
Top