Namatay ba si Adan sa "Araw" na sinabi ng Diyos na Mamamatay siya?

Mind Palace

Elite
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,136
Reaction
321
Responding to Bible Contradictions | Article 3 | Namatay ba si Adan sa "Araw" na sinabi ng Diyos na Mamamatay siya?

Sinabi ng Diyos kay Adan:

Genesis 2:17
"Pero huwag kang kakain ng bunga mula sa puno ng pagkaalam ng mabuti at masama, dahil sa araw na kumain ka mula roon ay tiyak na mamamatay ka.
Gaya ng una nating nalaman, sa naunang mga thread na ginawa ko, talaga ngang kinain ni Adan ang bunga kung saan ipinagbawal ng Diyos na kainin. Pero, kapansin-pansin na sa ulat ng Bibliya, hindi naman agad namatay si Adan, bagkus, iniuulat pa nga nito na "nabuhay si Adan nang 930 taon, at siya ay namatay." (Genesis 5:5)

May pagkakasalungatan ba ang sinabi ng Diyos sa ulat ng kamatayan ni Adan?

Buweno, maaaring inisip ni Adan na ang “araw” na iyon ay isang 24-oras na araw. Matapos niyang labagin ang utos ng Diyos, baka inaasahan niyang mamamatay siya bago lumubog ang araw.

“Sa mahanging bahagi ng araw,” kinausap ni Jehova ang mag-asawa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nilitis niya sila, wika nga; pinakinggan niya ang kanilang panig. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pagkatapos, sinentensiyahan niya ang mga nagkasala. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.)

Kung pinatay niya sina Adan at Eva noon mismong sandaling iyon, mabibigo ang nilayon niya para sa kanila at sa kanilang mga supling. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Yamang nilayon na ng Diyos na 'magpalaanakin' ang mag-asawa, hindi binali o binawi ng Diyos ang mga pananalita niyang iyon pagkatapos na magkasala ang mag-asawa.

Sinasabi ng Bibliya may kinalaman sa mga pananalita ng Diyos:

Isaias 55:11
Magiging gayon ang salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi ito babalik sa akin nang walang resulta, Kundi talagang gagawin nito ang anumang gusto ko, At siguradong magtatagumpay ito sa dapat nitong isakatuparan.

Kaya, bagaman hinatulan niya silang mamatay at nagsimula agad ang mga epekto ng kasalanan, pinahintulutan niya sina Adan at Eva na magkaroon ng mga anak na MAKIKINABANG SA IBA PANG MGA PAGLALAAN NIYA. Sa paningin ng Diyos, namatay sina Adan at Eva noong araw na magkasala sila, at namatay nga sila bago matapos ang isang “araw” na binubuo ng 1,000 taon.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

2 Pedro 3:8
Pero huwag ninyong kalilimutan, mga minamahal, na ang isang araw kay Jehova ay gaya ng isang libong taon at ang isang libong taon ay gaya ng isang araw.
 
Last edited:

mantissa31416

Established
di po literal ang 2 Pedro 3:8, basahin nyo po sya ng naayon sa konteksto... kaya di rin sya naayon na iquote sa topic na gusto nyo ipaliwanag.

anyway di naman ako makikipagdebate about religion. paalala lang na aralin nyo po ang mga sinishare nyo dahil kapag nagturo po kayo ng mali dadami po ang magkakaroon ng maling unawa...

Godbless.
 
Ipinakita ko lang naman po na ang "isang araw" ayon sa pangmalas ng Diyos ay "isanglibong taon" kaya ang araw na binanggit ng Diyos noong sabihin niya na 'mamamatay sa araw na iyon' sina Adan at Eva kapag kinain nila ang bunga na ipinagbawal ng Diyos ay hindi literal na 24 oras, kundi isang araw ayon sa pangmalas ng Diyos .. Kung gusto niyo pong maipakita yung tamang paliwanag po sa Genesis 2:17 at Genesis 5:5 at maipakitang hindi iyon nagkakasalungatan, puwede niyo rin pong i-share dito sa Forum .. Maganda din kung makapagshare kayo ng mga paliwanag ninyo kung bakit ang Bibliya ay hindi sinasalungat ang sarili nito .. Gawa na lang po kayo ng sarili ninyong thread :)
 
I tim.4:16 Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka't sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo.
 

Kyleyyy

Elite
Ano ba dapat ang tamang pagkaunawa o pagkaintindi sa nasabing Talata at Kabanata? (2 Pedro 3:8) Pakipaliwanag saan nagkamali si TS patungkol sa ginawa nyang thread.

Hihintayin ko magiging sagot mo.
 

mantissa31416

Established
Iba po ang konteksto ng ginamit na talata sa pedro kaysa konteksto ng binabanggit sa genesis kaya di po akmang ipagkonekta. Ang talata sa pedro ay figurative kung babasahin po ang konteksto na gustong ipaabot ni pedro na ginagamit ni TS na literal para iexplain ang genesis. Tandaan ang "like" ay di nangangahulugang "equal". Kaya kung mangangaral po kayo alamin nyo po kung kailan figurative at kailan literal ang konteksto ng talata.
 

Kyleyyy

Elite
[XX='mantissa31416, c: 1383135, m: 890451'][/XX] pero nasabi at naipaliwanag na ni TS ang naging punto nya na nasa itaas. Sa pagkakaunawa ko walang literal sa mga nabanggit na Kabanata at Talata. Simple lng magkaiba ang takbo o ng haba ng oras at panahon ng Diyos at ng tao. Naiulat yan para malaman natin ang naging pagkakaiba. Pero hindi yan ang naging kaso, ang dapat nating pagtuunan ng pansin ay yung sa araw na kinain ni Adan yung bunga sya ay mamamatay at pagbigay pansin sa ilang mga punto.

Kung para sayo may literal na kahulugan ang pagpapaliwanag ni TS sarili mo na pagkaunawa yan pero ano kaya ang iniisip o pagkakaintindi rin ng ibang mga nakabasa na ng thread? 🤔
 
Last edited by a moderator:
Laging maging mabait sa inyong pananalita, na tinitimplahan ito ng asin, para malaman ninyo kung paano kayo dapat sumagot sa bawat isa.
-Colosas 4:6
 
Sa iba't-ibang pagkakataon, ginagamit ang salitang "araw" sa Genesis para tumukoy sa magkakaibang haba ng panahon 🙂

Yung sa Isaias 55 naman, ginamit lamang iyon para ipakitang hindi binabawi basta-basta ng Diyos kung anuman ang nilayon niya na gawin, kundi, naisasagawa nito ang anumang nais nito ..
 
Katunayan po, ang kabuuang anim na yunit ng panahon o “mga araw” ng paglalang na ginugol sa paghahanda ng planetang Lupa ay sinaklaw lamang ng iisa at malawak na terminong “araw” sa Genesis 2:4.

Kaya, magkakaibang haba ng panahon ang tinutukoy kapag ginagamit ng Bibliya ang salitang "araw" depende sa konteksto nito at sa kung paano ito ginagamit sa Bibliya.

Sa case nung kay Adan, pasok sa "isang araw" ng Diyos ang naging buhay niya na 930 taon.
 

mantissa31416

Established
Hindi mo pa rin nakikita na literal ang unawa ni TS sa pedro? Pakibasa na lang po ng nasa taas at ng mga comment nya. Again kung kung magpuprove ka po ng statement at gagamit ka ng isa pang statement na iba ang konteksto kaysa pinuprove mo hindi mo po sya mapuprove. Sana naman kung mangangaral kayo yung holistic naman po ang comprehension, wag po lilihis sa context. Maging logical naman po.

Sinabi ko na po sa simula na wala akong balak makipagdebate about religion in the first place kasi di ako religious na tao, the fact na nandidito ako sa site na to at nakikigamit ng mga *****s, tricks at häçks meaning lang po nun wala ako karapatang mangaral dahil meaning pag ginawa ko yun di ko winuwalk ang talk ko. Pero nandito ako para sabihin kay TS at sa mga nagbabasa na ayusin ang mga ganitong bagay. Lawakan naman po kahit di tayo religious tinuruan tayo ng comprehension sa school, tinuruan tayo ng figurative at hindi, tinuruan tayo ng comprehension tru context.

Aralin nyo na lang ang pedro at genesis kung madaming katanungan, at make sure ng unawain nyo kasama ang context.


I rest my case na. Last comment.
 
Sa iba't-ibang pagkakataon, ginagamit ang salitang "araw" sa Genesis para tumukoy sa magkakaibang haba ng panahon 🙂

Yung sa Isaias 55 naman, ginamit lamang iyon para ipakitang hindi binabawi basta-basta ng Diyos kung anuman ang nilayon niya na gawin, kundi, naisasagawa nito ang anumang nais nito ..
I just dont get how the rest of that chapter is related sa sinasabi mo na pangyayari kay adan at eba.. nabanggit dun ung pag nauuhaw, pagbili ng tinapay, pag alis sa masamang landas, "dahil lalabas kayo ng masaya", etc... So ung fall is part ng plan all along kasi babalik din kay god???

Part ba ng layunin ni god na hindi mamatay ang tao?
 
Last edited:
Katunayan po, ang kabuuang anim na yunit ng panahon o “mga araw” ng paglalang na ginugol sa paghahanda ng planetang Lupa ay sinaklaw lamang ng iisa at malawak na terminong “araw” sa Genesis 2:4.

Kaya, magkakaibang haba ng panahon ang tinutukoy kapag ginagamit ng Bibliya ang salitang "araw" depende sa konteksto nito at sa kung paano ito ginagamit sa Bibliya.

Sa case nung kay Adan, pasok sa "isang araw" ng Diyos ang naging buhay niya na 930 taon.
Paki clarify...ung days sa creation is 1000years ba or not??

Ung "mga araw" ay sinaklaw ng iisa at malawak na "araw"... So the "mga araw" is 1000years total, tama ba intindi ko??

Or is it day1 to day7 eh 1000years each... Paki clarify...
 
Ayy hindi po 😅 Ba'le, sa case lang ni Adan pasok yung 1,000 years na isang araw para sa Diyos po, kasi, nakita naman po natin na hindi agad namatay si Adan sa araw na kinain niya yung pinagbabawal na bunga .. Pero, yung ibang pagbanggit sa "araw" sa Genesis, lalo na sa part ng paglalang, tumutukoy po iyon sa indefinite time .. Isang hindi tukoy na haba ng panahon .. Kasuwato po iyon ng sinasabi ng mga scientist na ang universe ay nag-eexist na billions/trillions of years na ang nakalilipas .. Kaya, yung "araw" ng paglalang ayon sa Genesis 2:4 ay sumasaklaw sa isang haba ng panahon na hindi matutukoy .. Hindi po siya 1,000 years lang kuya ..
 
Ayy hindi po 😅 Ba'le, sa case lang ni Adan pasok yung 1,000 years na isang araw para sa Diyos po, kasi, nakita naman po natin na hindi agad namatay si Adan sa araw na kinain niya yung pinagbabawal na bunga .. Pero, yung ibang pagbanggit sa "araw" sa Genesis, lalo na sa part ng paglalang, tumutukoy po iyon sa indefinite time .. Isang hindi tukoy na haba ng panahon .. Kasuwato po iyon ng sinasabi ng mga scientist na ang universe ay nag-eexist na billions/trillions of years na ang nakalilipas .. Kaya, yung "araw" ng paglalang ayon sa Genesis 2:4 ay sumasaklaw sa isang haba ng panahon na hindi matutukoy .. Hindi po siya 1,000 years lang kuya ..
Hahaha...parang ang convenient naman non ata... Na kasi di namatay si adan sa "araw" na kumaen sya nung prutas eh iba ung araw na un for him and ung ibang araw eh iba iba na ung range...

So ung verse mo ni pedro is applicable lang kay adan kasi he happened to live for almost 1000 years...
 
So ung verse mo ni pedro is applicable lang kay adan kasi he happened to live for almost 1000 years...

Gaya ng ipinakikita ng Bibliya, puwede rin namang tumukoy sa mas mahabang yugto ng panahon ang 'araw' na sinabi ng Diyos kay Adan gaya nung binanggit sa Genesis 2:4, hindi lang naman '1,000years'. Ginamit lamang ang tekstong iyon para ipakitang pasok pa din sa 'isang araw' ng Diyos ang kamatayan ni Adan. :)
 
Gaya ng ipinakikita ng Bibliya, puwede rin namang tumukoy sa mas mahabang yugto ng panahon ang 'araw' na sinabi ng Diyos kay Adan gaya nung binanggit sa Genesis 2:4, hindi lang naman '1,000years'. Ginamit lamang ang tekstong iyon para ipakitang pasok pa din sa 'isang araw' ng Diyos ang kamatayan ni Adan. :)
Kung namatay si adan ng exactly one literal day after nea kainin yung prutas, ibig sabihin literal na one day tlaga meaning at hindi 1000yrs db??

Ang hirap nman non na ang salita sa bible eh may mga meaning na "pwede rin nman" na ibig sabihin... Nakadepende sa paniniwala ng tao ung meaning...

Wag mo sabihin na nakalagay nman sa bible ang meaning talaga... Eh yan nga nakalagay sa bible 1000 years...nakalagay sa bible 1 day.. sabi mo pa na di alam kung gano katagal ung one day sa creation... Parang ang dating kasi eh pinapaikot ang meaning ng mga salita sa bible pra maitakip sa ibang discrepancies... Parang ilalatag na consistent ang bible pag oks..pag hindi na eh kasi iba iba ang meaning or pagkakagamit ng salita... Un ung sinasabi ko na quoting the bible when its convenient... Ur fellow theists nman sees na may pagkakaiba din ung sinasabi mo
 
Hmmm .. Kaya nga po may tinatawag kuya na paggamit ng "context". Hindi lang po ang konteksto sa isang book ng Bible ang gagamitin para maunawaan ang salita ng Diyos kundi konteksto mismo ng buong Kasulatan, mula aklat ng Genesis hanggang huling aklat nito .. Hindi po iyon pagtatakip sa discrepancies ng Bible .. Ba'le, kayo lang po ang nagsasabi nya'n ..

Kasi, kung literal na uunawain ang mga salita sa Bible nang hindi isinasaalang-alang ang iba pang bahagi ng Kasulatan, magiging literal din ang sinabi ni Jesus na mas posible pang makapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa makapasok ang isang mayaman sa Kaharian ng langit .. o ang sinabi ni Jesus na kapag may pananampalataya ang isa ay maililipat niya ang bundok saanman niya gustuhin .. o ang sinabi ni Juan tungkol sa mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay .. o ang sinabi ng salmista na 'mangmang' ang mga nagsasabing walang Diyos samantalang napakatatalino naman ng mga taong nagsasabi no'n lalo na pagdating sa kanilang mga pangangatuwiran ..

Kung gusto niyo pong gawin literal po talaga ang pakahulugan ng Bible sa mga salitang ginamit dito, papayag po ba kayo na tawagin ko kayong 'mangmang' o walang alam kasi hindi naman kayo naniniwalang may Diyos? Kasi iyon po talaga ang kahulugan ng salitang mangmang, mga walang alam .. Mga ganyan po ..

Payag po ba kayo na sa lahat ng instances eh uunawain natin ng literal ang mga salitang nasa Bible?
 
Top