Cerebellum
Eternal Poster
- Joined
- Oct 31, 2021
- Posts
- 1,183
- Reaction
- 532
- Points
- 423
Nakapagtataka ang kaisipan at pangangatuwiran ng mga tao. Ayaw nila sa isang Diyos na pumapatay dahil iyon daw ay salungat sa personalidad nito na pag-ibig. Ngunit sumasang-ayon sila na parangalan, kilalanin at bigyan ng natatanging pagkakakilanlan ang mga taong pumatay ng kaniyang kapuwa tao para sa kanilang bayan, at para sa kanilang kalayaan.
Niyuyukuran at binibigyang-dangal nila ang mga taong iyon upang masabi na nagbibigay respeto lamang sila sa nagawa ng kanilang kinikilala na mga bayani.
Kanila ding iniluklok ang kapuwa tao nila sa mga posisyon na nagbibigay kapangyarihan sa mga ito na mag-utos na pumatay sa ibang tao, kung kinakailangan, upang protektahan lamang ang bansa mula sa masasamang tao o sa masasamang gawain ng mga ito.
Ngunit nagmamalinis ang kanilang mga kamay na para bang hindi sila sumang-ayon o nagbigay lamang ng pagboto na iluklok ang gayong tagapamahala.
Ayaw nila sa Diyos na pumapatay, ngunit sa paanuman, sa kanilang kawalang-alam, o marahil ay sa pagbubulag-bulagan, sinasang-ayunan nila ang mga taong iyon na pumapatay o pumatay din naman sa kanilang kapuwa-tao anupat pinaparangalan pa nga, hinahangaan, at ipinagtatanggol ang gayong mga tao.
Nakapagtataka talaga ang kaisipan at pangangatuwiran ng mga tao.