What's new

Closed "multo nitong pag-ibig"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
distance-love-quotes.jpg





"Multo nitong Pag-ibig"



DUMATAL ka saking buhay, isang biyaya
Masaya ako tuwing lagi kang nakakasama
Mga tawa mong daig pa YARING kalsada
Mga problemang magdating di ALINTANA

Ako'y takot sa aking AGAM-AGAM
Itong BAHAGDAN sana'y di magkulang
Hinala ko'y di sana maglisan
Tulad mo sa buhay ko'y minsan lamang

NAAPUHAP ko ang aking sarili
Simula nang ika'y sakin nanatili
Saking bisig at panaginip
Diwatang hiling aking iniibig

SAPANTAHA ko ika'y lilisan ka
Pagkat sabi mo ito'y oras na
Lumisan ka nga't nag-iwan pa
Regalong labis sakin nagpapaluha

Para bang NABUSLOT sa paglalakad ko?
Di malaman san ako patungo
Ako'y nakulong nabalot sa dilim
Ito pa kayang sakit ako'y lilisanin?

ADHIKA ko ang makalimot na
Ngunit bakit nariyan ka pa?
Tuwing ako'y maglakad mag-isa
Bawat hakbang ko'y naaalala ka

Akala ko ba'y walang hanggan?
Bakit gayong BALINTUNA pala?
Nangako ka saking pagsinta
Kung ika'y lilisan din pala

Patay ka na sating pag-ibig
Bakit ganon ika'y panaginip?
Mga gawi at iyong ngiti
Saking isip laging sumasagi

Umaga ma'y parang kay dilim
Magparamdam ka'y napakatulin
Madalas nang manlamig itong pag-ibig
Pagkat wala ka na saking bisig

Nobyembre na naman o anong sakit
Pait at hapdi nitong sinapit
Naaalala pa iyong PAGHALIPAROT sa'kin
At 'yong mga matamis na pagtitig

Napakadaya mo aking inibig
Paglisan mo'y wala saking hiling
Naglaho ka nga ngunit nag-iwan pa
Imbes ako'y sasaya, lumuluha pa

Nais ko sanang itigil mo na
Itong lamig ng hangin, pagpaparamdam
Pagkat nais ko nang makalimutan
Iyong ginawa saking kanlungan

Pakiusap ko sa paglalakbay mo
MATITIMO mo sana ang ngalan ko
Na minsa'y itinatak sa puso mo
Ngalang minsa'y nagmahal ng totoo




Spoiler contents are visible only to Established Members.



Spoiler contents are visible only to Established Members.




MABAGSIK NA LIKHA NI:
Mad`ThePoetMotivator
 

Attachments

Last edited:
Ang lalim ng mga nakacapslock huhuhu ang Hina ko sa Filipino talaga... Need ko pa iscroll down para malaman meaning habang basa... Di ko tuloy ma appreciate nahilo ako scroll down tapos balik sa tula :)
 
Last edited by a moderator:
Ang lalim ng mga nakacapslock huhuhu ang Hina ko sa Filipino talaga... Need ko pa iscroll down para malaman meaning habang basa... Di ko tuloy ma appreciate nahilo ako scroll down tapos balik sa tula :)


Parang sa pag ibig
Kailangan ng effort
Para maunawaan
 
Last edited by a moderator:
Useless ang pag effort Kung di ka maaappreciate o Mahal ng taong iyon...
Kaya ako skip ko muna ang tulang ito Saka na Kita uunawain kapag ready na ko harapin ka ng di nasasaktan..
 
Useless ang pag effort Kung di ka maaappreciate o Mahal ng taong iyon...
Kaya ako skip ko muna ang tulang ito Saka na Kita uunawain kapag ready na ko harapin ka ng di nasasaktan..


sana nga ikaw nalang sya
dahil pag siguro kung ikaw siya
baka hindi na ako masaktan pa
kase tapat ka at mabait.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top