What's new

Closed "may problema ba?"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146

"May problema ba?"




Ang problema parang anino, na nais ko nang bumitaw
Tuwing magkakaroon ng ilaw, saka pa ito lilitaw
Ang buhay ko'y puno na yata ng dilim
Kaya ba pati sa pagliwanag, may mga problemang palihim

Minsan, sinubukan ko na magtiwala
Subalit, ang tiwala ay di sakin natugma
Bagamat, ibinigay ko ang tiwalang meron ako
Kahit pa, hindi nila pagkatiwalaan ang tulad ko

Kasalanan din ba, ang maging seryoso?
Kaya ba nila nagagawa, na sa akin ay magbiro?
Ano bang meron? at wala ako nito
Siguro, hindi lang ako nababagay sa mundong ito

Nagtanong naman ako ng ayos..
Subalit, bakit ang gulo?
Kailan ba masasagot, ang mga tanong sa akin
At kailan ba, gagaan muli ang aking damdamin?

May problema ba?
At nagawa ang mga dahilan na dapat ay sana hindi ko na naranasan
Kung sakali man, na malagpasan ko ito
Maging lakas ko sana, sa muling pagbangon ko


-Madpro
 
Minsan hindi kailangang seryosohin
Makinig sa paliwanag saka intindihin
Panig nawa ng iba magawang respetuhin
Dahil bawat ginawa mo'y kagustuhan mo rin.
 
tila yata nais ipabatid
ang kagustuah ay maaaring salarin
sa kung anong nangyari sa akin
at ang seryoso ay akin nang tanggalin
 
Kung gusto mong ibuhos ang puso mo, nandito lang ako. At kung ano man ang problema mo, handa ako makinig sayo. Pero kung gusto mo ng espasyo, lalayo ako. Basta ba sana sabihin mo, hindi yung naiiwan akong litong lito.
- diary
Hahaha. Tulog na ko. Btw, great poem ts :)
 
Kung gusto mong ibuhos ang puso mo, nandito lang ako. At kung ano man ang problema mo, handa ako makinig sayo. Pero kung gusto mo ng espasyo, lalayo ako. Basta ba sana sabihin mo, hindi yung naiiwan akong litong lito.
- diary
Hahaha. Tulog na ko. Btw, great poem ts :)


hanudaw? ^^
btw nice...
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top