Matuto Tayong Magpatawad. Mga Payo ng Biblia.
Hindi talaga maiiwasan minsan na kapag ang isang tao ay nakagawa ng kasalanan sa atin lalo na kapag masamang-masama na yung ginawa niya ay ang hirap magbitaw ng pagpapatawad sa taong yaon.
Pero bilang mga tagasunod ng ating Panginoong Hesus paano ba natin patatawarin yung mga taong nagdulot sa atin ng sama ng loob, mga pang-aapi, pang-alipusta o pananakit pisikal?
Instinct na kasi sa tao na kapag ang kapwa nakagawa ng kasamaan sa kanyang kapwa ang reaction ng taong nasaktan ay ang makaganti. Nawawala sa control ang tao, may mga tao na mainitin ang ulo...madaling magalit halimbawa may sumuntok sayo ang agad na papasok sa isip mo ay suntukin din siya pabalik..ang iba pa nga sa tindi ng galit nakakagawang kumitil ng buhay eh.
Ang isang Kristiyano ay hindi dapat malungkot o magalit kung ang kapwa ay makagawa ng kasalanan bagkus dapat pa ngang maging masaya, yan ang turo po sa amin galing sa diwa ng Biblia. Parang iisipin niyo na.. Kalokohan yata yun na ginawan ka nga ng masama, nagkasala na nga sayo ay magiging masaya pa ang reaction natin?.
Ganito po ang paliwanag ng turo na kung ang isang tao ay nagkasala laban sayo ito ay isang opportunity na binibigay sayo ng Dios para magpatawad ka. Kasi ang kasunod na iisipin mo bilang Kristiyano kapag nakaranas ka ng ganun ay ang magpatawad.
Bakit po?...
Mateo 6:14 - Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.
Sabi po ng Panginoon pag pinatawad mo ang tao sa kanilang mga kasalanan patatawarin ka rin ng Dios Ama. Kaya kapag ang isang tao makagawa ng kasalanan sa atin ay mabuti po yun kasi may opportunity ka na magpatawad at kapag nagawa mong magpatawad ang Dios Ama naman ay makakahanap ng opportunity na patatawarin ka rin Niya sa iyong mga kasalanan.
Kaya sa ating sariling pakinabang pa rin kung magpapatawad tayo kasi kapag nagpatawad ka binibigyan mo ng opportunity ang Dios Ama na patawarin ka rin pero kung hindi ka naman magpatawad ay tinatanggal mo ang pagkakataon na patawarin ka ng Dios Ama sa iyong mga kasalanan. Bakit?...basa po tayo sa kasunod na verse:
Mateo 6:15 - Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.
Sabi kapag hindi ka nagpatawad hindi ka rin patatawarin kaya kapag binigyan ka ng chance na magpatawad at nagpatawad ka sa mga taong nagkasala sayo ay binigbigyan mo ng chance ang Dios Ama na patawarin ka rin. Yun ang gusto niya sa atin na matuto po tayong magpatawad para patawarin tayo, pinapraktis ng Dios ang Kanyang Hustisya.
Napakahirap po talaga magpatawad pero kailangan nating sumunod sa utos ng ating Panginoong Hesus, sa halip na magalit tayo sa mga taong gumagawa sa atin ng pagkakasala ay mas dapat na lalo tayong matuwa kasi pagkakataon na po natin yun na tayo ay mapatawad din naman ng ating Dios Ama kung sila ay ating patatawarin.
Baka sakaling may magtanong saan sa biblia na... ginawan ka nga ng masama, nagkasala na nga sayo ay magiging masaya pa ang reaction natin?.
Ito po.
Mateo 5:11 - Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.
Mateo 5:12 - Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.
"Lahat tayo nagkukulang at nagkakamali, ang kailangan lang lagi tayong nakahandang magpatawad".
"Forgive and Forget."
Ganoon magpatawad ang Dios.
Hebreo 8:12 - Sapagka't ako'y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan, At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa.
Salamat sa Dios.

Last edited: