Tama ka dyan ts. Dapat tayong magpatawad sa sinumang nagkasala sa atin gaano man ito kalaki. Pero paano yung mga pinatay ng Diyos sa baha nung panahon ni Noe? Hindi na ba kinaya ng Diyos na patawarin sila kaya pinatay na sila sa pamamagitan ng baha? Nasaan ang itinuro niyang pagpapatawad kung hindi niya nagawang patawarin ang mga ito? Nasaan ang itinuro niyang "ibigin ang mga kaaway" kung lahat ng itinuturing siyang kaaway ay pinatay niya? Nasaan ang iniutos niyang "huwag kang papatay" kung pinatay niya ang mga tao sa baha? "Huwag kang papatay" meaning universal yan. Masama o mabuti mang tao hindi ka dapat pumatay. Dahil ang pagpatay ay itinuturing ng Diyos na isang kasalanan. Naniniwala ka naman po siguro dito. Masasabi nating sa Biblia nilabag ng Diyos ang sarili niyang utos na "huwag papatay" kasi ang dami nyang pinatay sa baha. Pati mga inosenteng sanggol at mga hayop dinamay nya. At kung ang pagpatay ay itinuturing ng Diyos na isang kasalanan hindi Siya pwedeng pumatay dahil mawawala ang Kanyang kabanalan. Alam nating ang Diyos ay banal. Walang bahid ng kasalanan. Nananatili at mananatili siyang banal. Naniniwala ako sa Diyos pero hindi ako naniniwala na pinatay ng Diyos ang mga tao sa baha kahit nakalagay pa ito sa Biblia. Dahil ang Diyos ay hindi pumapatay. Dahil ang Diyos ay banal. Ikaw ts? Naniniwala ka bang pumapatay ang Diyos? Ano ba ang masasabi mo rito? Salamat.
Labolabo ang pagkakaakala mo sa Dios. Para kang "Sala sa Init sala sa lamig". Oo ka tapos biglang kakambyo ng hindi, Ang dami mong akala.
Bibigayan kita ng karunungan ng Biblia.
Mali ang paghahanap ng katotohanan na nagdadalawang akala ka. Maraming napapahamak sa ganyan nagdadalawang akala.
Santiago1:8 - Ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad.
Sasangayon ka sa isa tapos biglang may hindi ka sinasangayunan. Wag ganon mali yon.
Sabi walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga lakad ang taong nagdadalawang akala.
Tumiwala ka sa Panginoon kung ang kalooban nya siyang matutupad. Kung anong sinalita niya siyang mapapangyari.
Kawikaan 3:5 - Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:
Walang suwail diyan sa Aklat ng Panginoon. Sabi ng Panginoon.
Kawikaan, 8:8 - Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran; walang bagay na liko o suwail sa kanila.
Lahat ng sinalita ng Panginoon ay sa katuwiran, walang bagay na liko o sawail sa kaniya.
Bakit?
Isaias, 55:8 - Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon.
Isaias 55:9 - Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.
Hindi pala natin pagiisip ang paraan ng pagiisip ng Dios. Ang kaniyang pagiisip kasing taas ng kaniyang langit.
Ang kaisipan kasi ng tao hanggang panlupa lng eh.
Bakit ko nasabi to? Ang kaisipan ng tao hanggang panlupa lng?
Bibigyan kita ng halimabawa.
Karamihan kasi sa atin na kapag kamatayan pinaguusapan eh kamatayan
panlupa na at kamatayan panlaman na isang katawang lupa na maaagnas.
Iba ang kamatayan para sa Dios. Ang kamatayan para sa Dios ay kamatayang pangkaluluwa.
Katunayan may mga buhay nga para sa kaniya ay patay eh!
1 Timoteo, 5:6 - Datapuwa't ang nangagpapakabuyo sa mga kalayawan, bagama't buhay ay patay.
Sabi ang nagagpapakabuyo sa mga kalayawan para sa Dios kahit na buhay ay patay.
At may mga buhay nga na namamamatay ng dahil sa kasalanan.
Juan, 8:24 - Sinabi ko nga sa inyo, na kayo'y mangamamatay sa inyong mga kasalanan: sapagka't malibang kayo'y magsisampalataya na ako nga ang Cristo, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.
Ngayon ano ba ang turing ng Dios sa lahat ng mga namatay sa laman?
Lahat ng mga patay sa laman para sa Dios ay nangatutulog.
1 Corinto 15:20 - Datapuwa't si Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog.
Si Cristo ang pangunahing bunga na binuhay ng Dios para maging halimabawa na may bubuhayin na patay na para sa Dios ay nangatutulog.
Pagdating ni Cristo may mga na nangatutulog na kaniyang bubuhayin.
1 Tesalonica, 4:16 - Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;
Balik tayo sa tanong mo..
Para malaman mo
... Dios nagtatakda ng ating kamatayan sa laman.
Hebreo 9:27 - At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;
Pansin mo? Itinakda sa mga tao ang mamatay ng minsan? May nagtatakda.
Katunayan Dios ang pumapatay Dios rin ang bumubuhay.
Deuteronomio 32:39 - Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay.
Pero sa pag pumapatay ang tao sa kapwa tao hindi kalooban ng Dios yan. Duon na nakakaroon ng pagkakasala. Kasi nagbigay ang utos ang Dios na "huwag kang papatay". Pero may nasisisalangsang.
Ngayon yung utos ng Dios na ganon pwede bang maging utos nya sa sarili nya yun? Na huwag kang papatay?
1 Timoteo 1:9 - Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao,
Napansin mo ang mga Kautusan ay ginawa para sa mga masasama, para sa mga makasalanan, para sa mga di banal, sa mga mamamatay-tao.
Hindi naman pala para sa Dios ang mga kautusan. Ang mga kautusan ay para lng mga tao.
Kasi kapag ginawa ng Dios na hindi niya ipahintulot na ang mga tao ay hindi mamatay sa laman eh! Dahil sa dalawang akala na "huwag kang papatay" napakalaking delubyo yun padating sa ating panahon. Bakit?
Biro mo sa panahon natin buhay pa si Faraon, buhay pa si hitler, buhay pa mga hapon na inalipin ang pinas noon. At mga naging unang masasama kung hindi nagtakda ang Dios ng kamatayan ng mga yun? delubyong delubyo pag ganon.
Mali yung akala natin na kautusan dapat gagawin ng Dios sa sarili niya. Ang sabi ng Dios ginawa ng kautusan para sa mga tao, para sa mga makasalanan.
Duon naman sa sinabi mo na tungkol kay Noe. Bakit ang mga bata nasama o namatay sa pagbaha?
Minsan ang kamatayan sa laman ay paraan ng Dios sa pagliligtas.
Isaias 57:1 - Ang matuwid na namamatay, at walang taong nagdadamdam; at mga taong mahabagin ay pumapanaw, walang gumugunita na ang matuwid ay naalis sa kasamaan na darating.
Minsan hindi na pinahihintulot Dios na mabuhay pang matagal ang taong matuwid. Dahil sa kasamaang mas darating sa kanila. Kaya kalooban ng Dios magtakda ng maaga para sa kanila.
Ang mga bata sa panahon ni Noe iniaalis sila ng Dios sa kasamaan pang darating. Ipinahintulot na ng Dios na mamaatay sa ganon.
ang mga bata kasi o sangol hindi pa nakakasumpong ng kasamaan sa buhay eh. Wala pa silang malay ng bagay na masasama. Wala pa silang alam tungkol sa katuwiran.
Hebreo, 5:13 - Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol.
Makasalanan ba ang mga bata sa pagaakala natin? Hindi. ang kamatayan minsan paraan ng Dios ng pagliligtas.
Saka mali yan naglabolabo ka sa mga sinasabi mo. mali lahat pagkakaintindi mo tungkol sa kautusan ng Dios.
May utos na nuukol sa unang kapanahunan at utos na nauukol sa ating panahon. Alamin mo kung kanino inuukol ang mga kautusan ng Panginoon. May time element diyan. Saliksikin mo lang.
Pangako ng Dios ang Biblia ay aklat ng Panginoon. Hindi yan magkukulang o mangangailangan ng kasama sapagkat sinalita yan ng kaniyang bibig. At tinipon yan ng kaniyang espiritu.
Isaias 34:16 - Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.