What's new

Poems Masisisi Mo Ba Ako?

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,954
Solutions
6
Reaction
66,409
Points
16,634
Sa bawat pag ikot ng mundo,
maaring may mga pagbabago,
masisisi mo ba ako?
kung pagtingin ko sayo'y unti -unti ng naglalaho?


Maihahalintulad na lamang ng isang serye o akda na
binibigyan ng wakas,at sa bawat pagwawakas
ay may panibagong yugto na isusulat,
bawat pahina nakamarka na sa isang aklat.


Binibigyan mo kasi ako ng dahilan,
upang ika'y aking iwasan,
ang buong akala ko tayo pa rin hanggang sa dulo,
pero lahat pala ng iyon tela isa lamang biro,


Masisisi mo ba ako? kung sa iba na ako sumasaya at hindi na sa iyo?
ba't di mo tanungin ang iyong sarili?
kung saan ka nagkulang at nagkamali,
Di ko rin naman hawak ang iyong damdamin,
di ko nga din batid kung dati pa ikay may pagtingin din.


Sapat na naging parte ka ng aking nakaraan,
at sa maikling panahon wala naman akong pinagsisisihan,
lahat ng iyon ,may aral na dala at ako'y natuto na din,


kung sino ang mas matimbang siya ang piliin,
bakit pa pag aksayahan ng oras ang isang tao,
kung ikaw sa kanya'y binabalewala at di seniseryuso,
magaling lang magparinig pero duwag pagdating sa pag ibig,


Hindi din naman ako yung tipong nakikimkim ng puot sa damdamin,
maayos pa din naman ang lahat sa atin,
kahit ako'y di mo na kinakausap,
alam ko naman sayo'y napakahirap.


Sana lang dumating yung panahon,
mauunawaan mo na ng husto,
kung bakit tadhana'y pilit tayong pinaglayo,
baka nga damdamin natin di lang akma,
at may mga taong na sa atin ay sadyang tinadhana.






❤️~Professora Akira~❤️
 
Last edited:
pig-hati ni kokoula
1642458500014.png
 

Attachments

Nice ma'm, ang ganda po ng poem nyo ulit...❤️👍 ang sakit lang sa puso, ng meaning, lalo na kung ilalagay mo yung sarili mo sa tula.
masakit pero masaya din kasi may bago ng nagpapasaya eh ,napunan na yung puwang ,yung dating mga pagkukulang na di niya magawang ibigay sayo.
 
masakit pero masaya din kasi may bago ng nagpapasaya eh ,napunan na yung puwang ,yung dating mga pagkukulang na di niya magawang ibigay sayo.
Sabagay, sa umpisa lang naman masakit po un.. lalo na kapag naalala mo yung mga times na kayo madalas yung magkakulitan.. pero ganun talaga ang buhay 😅 .. may mga tao talagang nakatadhana lang dumaan sa buhay natin, pero di nakatadhanang mag stay..🥲 pero ok na yon.. ang importante ay ung nagpapasaya sayo ngaun, and parehas kayong masaya.. 🙂
 

Similar threads

Back
Top