What's new

Closed "manloloko ka pala"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
broken-heart-quotes09.jpg





"Manloloko ka pala"



Itinuring kong DURUNGAWAN ang makita ka
Sa muling pagbukas nitong TARANGKAHAN
Na di kalauna'y di ko inasahan
Ikaw din pala'y YUMAON saking kanlungan

Ang pagdating mo'y parang SALIPAWPAW
Akoy nakaupo sa SALUMPWET at napadungaw
Habang naka SALAKAT namamangha
ALIMPUYOK na amo'y aking napabaya

Kala ko noo'y ikaw na, guhit nitong BADHI
Ako'y mali sa'king ALIMBUYUGIN ngiti
GAMOL na marka dulot mo sa akin
Di mo sinabi ikaw pala'y sinungaling

Halos mag-HILUKA ako para lang sayo
Matupad ko lamang lahat ng gusto mo
Di ko naisip ang TABAK sa puso ko
Unti-unti mo na palang binabaon ito

Itinuring kitang aking SALAMISIM
Ngunit anong higpit iyong sakim?
Imbes ibangon ako sa hirap ko
Lalo mo akong pinaupo sa SALUMPO




DURUNGAWAN - BINTANA
TARANGKAHAN - PINTUAN/LOCK ng GATE
YAON/YUMAON - ALIS/UMALIS
SALIPAWPAW - EROPLANO
SALUMPWET - UPUAN

SALAKAT - DEKWATRO NG BINTI
ALIMPUYOK - SINAING SUNOG

BADHI - Yung guhit sa palad mo na binabasa ng manghuhula
ALIMBUYUGIN - MAKITID NA PAG-IISIP
GAMOL - DUMI SA MUKHA

HILUKA - pag matindi na yung gutom mo tapos tumirik na mata mo
TABAK - ESPADA

SALAMISIM - INSPIRASYON
SALUMPO - WHEELCHAIR




Lahat ng bagay dito sating mundo, sa mga pangyayaring di

inaasahang totoo
may dahilan ang DIYOS na ating lumikha kung bakit ikaw, tayo

nakararanas ng ganito. puno ng pighatit pagsusumamo.
mahirap oo pero hindi ito ang katapusan. kung ika'y nasaktan at

iniwan
wag mong isiping ito'y kamalasan.
isipin mong mabuti ang mensahi ng kalangitan
sinadya ng DIYOS maranasan mo yan upang ika'y tumibay at lumaban


iwan ka man ng lucky charm mo
asahan mo malaki ang magiging kapalit nito




MABAGSIK NA LIKHA NI:
Mad`ThePoetMotivator
 

Attachments

Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top