What's new

Trivia Makakaya mong Gawin Ang Tama. Kahit puro masama ang nasa paligid mo

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,217
Points
2,570
317681876_465414555721170_9151849150508202697_n.jpg


Marami yung gusto din namang magbago. Mag-aral ng Biblia at maglingkod din sa Diyos.

Kaya lang natatakot Sila.
Gusto pero wala silang lakas ng loob para gawin yun. Bakit?

Natatakot kasi silang mapaiba.
Natatakot silang layuan sila ng mga kinikilala nilang kaibigan.
Natatakot sila na baka hindi na nila magawa ang gusto nila, gaya ng mga bisyo nila.
Natatakot silang tawaging KJ, baduy, o relihiyoso.
Natatakot silang umalis sa nakasanayan nilang comfort zone.

Ano ang kulang? Pananampalataya!

Sinasabi ng marami na may pananampalataya sila ngunit hindi naman makikita sa mga gawa.

Santiago 2:26
"Kaya nga, kung paanong ang katawan na walang hininga ay patay, ang pananampalataya na walang gawa ay patay."

Yes marami ang may FAITH. Pero yung faith nila ay DEAD.
Pananampalataya nila ay BITTER na pwedeng tawaging "panan-AMPALAYA-taya"

Paano nga ba makikita na ang Isa ay may pananampalataya???

Today ang example natin ay si: "ABRAHAM"

"Si Abraham ay nanampalataya kay Jehova."—Sant. 2:23.

Si Abraham:
1f449.png
Handa siyang mapaiba sa mga tao sa paligid nya masunod lang niya ang Diyos
1f449.png
Iniwan ang marangyang buhay sa Ur City para lang sumunod sa Diyos
1f449.png
Tumira sa mga tolda at kahit sa mga disyerto kahit matanda na maipakita lang na may tiwala siya sa Diyos
1f449.png
Handang isakripisyo ang lahat para sa Diyos dahil don tinawag siyang AMA NG LAHAT NANG MAY PANANAMPALATAYA.
1f449.png
Marami pang iba . Basahin ang KWento ni Abraham sa Genesis chapter 12-26.

Icultivate ang FAITH. Huwag matakot.
Makakaya mong Gawin Ang Tama. Kahit puro masama ang nasa paligid mo..
 

Attachments

Yan paps. Stick nlng tayo doon sa principles, at wag na sa mga science fiction. Dahil jan may like ka for this one.
 

Similar threads

Back
Top