Oo naman, lalo sa mga tulad namin na may kailangang i-maintain na grado. May iilan din na mga kurso samin na every sem may elimination o kung baga may qouta na bilang ng mga estudyante na makakaproceed lamang para sa susunod na semester (via ranking based on grades). Sa kurso naman namin, kahit na di ka scholar, may screening kami na dapat mo maipasa, konti nga lang nakakapasa eh, buti nakapasa ako. Kung di ka kasi makapasa, di ka pwepwede na magpatuloy pa sa kurso namin.
On the other hand, importante ang magagandang marka para sa mga magulang, pagpapakita na sinusuklian mo paghihirap nila maitaguyod pag-aaral mo.
Importante din yan syempre as additional points for job competitiveness, although may mga tao naman na talagang tumitingin sa karakter pero mabuti parin na maganda yung mga marka para mas maging competitive ka sa hiring.
Pero bilang estudyante at tao, deep inside of me, naniniwala ako na mas importante ang ugali nang tao o kung paano niya hinahawakan ang mga problema (critical thinking sa Ingles). With me, being in college, marami akong nakilala nang mga taong matalino nga sa klase pero outside the class, mga uto2x.
My point is, be yourself, enjoy your college years, it's just a part of our youth at lilipas din yan, be balanced, sobrang pag-aaral at sobrang pagkakalma ay masama, at mag-explore ka, malay mo dun mo totally makilala sarili mo.