depende po yan idle sa tao and kung saan nila binebase ang importance ng grades. for example, yung saying na "grades doesn't define you." tama naman po yun, kasi hindi porket mababa or mataas ang grade mo eh dun na maaayon ang personality mo. merong matatalino na hindi naging successful sa career na napili nila. meron din naman na halos pasang awa lang pero madiskarte kaya nakakaangat na sa buhay ngayon. pero may moments kasi na ang grades ay nagiging importante. like madalas sa mga school, meron silang required na grade specifically sa course na pipiliin mo. dapat mo din alalahanin ang grades mo kung gusto mo makakuha ng scholarship para makabawas sa gastusin ng tuition. ether way, sabihin man na importante ang grade o hindi, pareho lang silang tama.