What's new

Closed Mahalaga nga ba yung Grades?

Status
Not open for further replies.
Of course kung pag tratrabahuan mo na company ay related sa kurso mo o yung kurso mo.

ang major subjects ang pag babasehan nila.

Pero kung other jobs depende yan minsan the way you interact/sagot sa interview

graduate BSIT ako major in web development I’m flexible with Software, Desktop, Mobile and Web dev. Na aadopt ko agad pag .NET or Javascript.

hindi na sila Nag base sa letter ko tinignan lang nila yung major ko at algorithm ko sa entrance exam nila
 
Last edited:
kulang sa financial education yung mga tao ngayun all over the world kung sino pinakamataas na grades workers yan pagdating ng panahon or else tsaka lang nila maiisip useless yan kasi yung banker hinahanap( financial statement ) di yan mag sasabi na hoy ikaw daw pinaka matalino mag lelend ako ng pera sayu 100999990 kasi matalino ka halos lahat ng tao pag pinapakitaan ng financial statement di alam kung ano at pano bumasa di alam kaibahan ng liabilities at asset di alam ano ibig sabihin ng tatlong income lahat naman tayu kasi nangangarap gustong yumaman aminin man o hindi pero sa school tinuturoan tayung maging empleyado instead maging business owner and thats the truth di niyo bah pansin kadalasan sa mayayaman any di nakapag tapos kasi di porket tumigil sa pag aaral ay end na ang learnings kung gusto mo/niyo malaman ano pinag sasabi ko gusto ko sana eh share yung blessing na natutunan ko sa librong na basa ko (richdad poor dad by robert kiyosaki) mababago yung pananaw mo sa buhay at sa pera swear di kana mag titiis mamatay magtrabaho habang buhay 24/7 ituturo niya mag trabaho kaman oh hindi may income na dadating sayung bulsa lahat naman ng tao gusto yumaman ganun nga lang kunti lang gusto matuto ng rules same sa lahat ng bagay for example gusto mong mag swimming diba pinag aaralan yan ang hirap lumangoy pag di mo alam ang hirap mag negosyo pag di mo alam mahirap pag di mo matutunan yung rules . (read apply action )repeat
 
pansinin niyo lahat ng comments empleyado gusto nila imbes sila yung owner ng kompanya oo totoo sabi pa nga ng naka tatanda go to school get high paying job then die gusto niyo ba yung ganung buhay? or else same ? kung mahal mo trabaho mo tas may 24/7 passive income kahit ma fired ka wala kang paki . ikaw gusto mo bah mag trabaho nalang habang buhay? ipamamana mo yan sa iyong anak gusto mo bah nun? kung gusto niyo talaga malaman anong ibig kung sabihin basahin niyo sa may gusto yung richdad poor dad by robert kiyosaki
 
i think depende yan sa tao kasi dito sa mga napapasokan naming work kahit di mataas gradates mo basta may skill ka pasok ka di naman basehan ang grades para masabe na matalino ka basta may skills ka sorry malayo ito sa sagot.
 
naisip ko lng at natawa ko. kung ayaw naman nya mag trabaho at di sya mag tatayo ng negosyo. useless ang grades..:ROFLMAO:
 
Don't focus on good grades. Focus on learning as much as you can. Mas mahalaga na may natutunan kasi magagamit mo yun. I know a lot of people who were not on top of their class but is more successful now.
 
Puwedeng importante at puwede hindi, ibase mo sa tatahakin mo may mag kaibang path way kasi yan. May path kung saan mas binibigyan halaga ang credentials at may path na kung saan hindi na tinitignan yan. Nasasayo ang desisyon kung ano tatahakin mo.
 
Oo naman, lalo sa mga tulad namin na may kailangang i-maintain na grado. May iilan din na mga kurso samin na every sem may elimination o kung baga may qouta na bilang ng mga estudyante na makakaproceed lamang para sa susunod na semester (via ranking based on grades). Sa kurso naman namin, kahit na di ka scholar, may screening kami na dapat mo maipasa, konti nga lang nakakapasa eh, buti nakapasa ako. Kung di ka kasi makapasa, di ka pwepwede na magpatuloy pa sa kurso namin.
On the other hand, importante ang magagandang marka para sa mga magulang, pagpapakita na sinusuklian mo paghihirap nila maitaguyod pag-aaral mo.
Importante din yan syempre as additional points for job competitiveness, although may mga tao naman na talagang tumitingin sa karakter pero mabuti parin na maganda yung mga marka para mas maging competitive ka sa hiring.
Pero bilang estudyante at tao, deep inside of me, naniniwala ako na mas importante ang ugali nang tao o kung paano niya hinahawakan ang mga problema (critical thinking sa Ingles). With me, being in college, marami akong nakilala nang mga taong matalino nga sa klase pero outside the class, mga uto2x.
My point is, be yourself, enjoy your college years, it's just a part of our youth at lilipas din yan, be balanced, sobrang pag-aaral at sobrang pagkakalma ay masama, at mag-explore ka, malay mo dun mo totally makilala sarili mo.
 
for me, yung grades pang open lang ng opportunities yan. Sa real life, diskarte mo ang panlaban mo, mminsan nga ni isa sa pinag aralan natin e di natin magamit sa tunay an buhay kaya diskarte lang lang magagamit natin
 
nope base sa experience ko. ang importante makatapos ka ng college at makahanap ng work. mga classmate ko na di katalinohan elem at hiscol sila yung di abroad at magaganda work. ate ko na di pala aral at panay cutting classes nasa canada ngayon. ako na honor student di nakatapos ng college kasi naadik sa computer nung 2005. sa tingin ko lakas ng loob at diskarte kailangan ngayon at wala sa grades.
 
Last edited:
As a Teacher, Yes at No.

Yes kasi that serves as measurement of every learning na nadaanan mo.
No kasi may ibang assessment na minsan hindi angkop ang ginamit na methods of certain topics.
 
"Grades are just numbers" is a total myth to many.

To land on a good job or scholarship, grades are important. But to stay in the good job or scholarships you landed requires hardwork.

Wag mong iconsider na basta lang makapasa ok na, jan nagsisimula lahat ng problema. Keep yourself to higher standards, elevate your standards. Matetrain mo yung sarili mo sa hinaharap kung magsusumikap ka habang maaga pa.

I understand na meron namang mga dropouts or di masyado malaki yung grades pero nagsumikap at naging successful but in the said scenario na sinabi ko above, yun pa rin ang better choice.

All of us have different methods on how to be successful in life, it's just that we need to discover what it is, and put in hard work.
 
Ang totoo hindi lahat ng maatatalino nagtatagumpay sa buhay. Marami akong kalala na Sobrang tataas ng grades (Valedictorian pa) nung nag-aaral kami pero natalo pa ng mga kilala kong hindi ganon katalino. Nasa diskarte mo sa buhay yan. Marami rin akong kilala na di naman ganon katalinuhan non pero mga nasa abroad na ngayon. Kung may pangarap ka sa buhay gagawa ka ng paraan para marating mo yun.

Nakakatulong ang magandang grades lalo na sa Pinas kapag nag-aapply ka sa work kasi kailangan pa ng transcript of records. Tinitignan din kung saan ka nakpagtapos. Dito sa UK hindi hinahanap yan. Ni minsan sa pag-aapply ko hinanap kung ano ang grades ko nung High School o College. At di pa ako nag-aral dito at ibang iba ang grading system nila.

Gasgas na quote

Kung Gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan.
 
Sa grades mo malalaaman kung ano ka sa klase. Pero haha mag aral ka lang yaan mo yang grades. Nasa sayo na kung magpapapressure ka o hindi. Pero sakin chillings lang basta may natututunan ka. Ayos na yun. Ang importante at the end of the day natuto ka. Hindi yung numbers sa card mo.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top