What's new

Closed Mahal kita... patawad

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Joined
Mar 10, 2016
Posts
2,867
Reaction
1,426
Points
929
Patawarin mo ako
Kung hindi ko matumbasan ang pag-ibig mo
Gawin ko man ang lahat
Hindi pa rin magiging sapat.

Hindi sapat sapagkat hindi maibigay
Aking puso na nais mong maging alay
Gayunpaman, pasasalamat ay habangbuhay
Sa hindi pagbitaw sa aking mga kamay.

Labis ang gulat ko
Sa naturang pag-amin mo
Huli na nang napagtanto
Nakakasakit na pala ng puso.

Maging ako'y nasasaktan din
Dahil napukaw yaong damdamin
Sa ibang paraan
Mahal kita, mahal kita.

Alam kong iba
Nais mo'y mas higit pa
Ngunit paano gayong huli ka na?
Sana noon pa.

Inagahan mo sana
Bago ako tumingin sa iba
Nang sa gayon tayo baka
At turingan natin, hindi magkaiba.

Nais man ipahayag
Hindi maaari, umaandar na ang layag
Mahal kita, mahal kita
Patawad kung hindi mo na nakikita.

Mahal kita sa ibang paraan
Sa ating ginagalawan, siyang akma
Hindi man sa paraang nais madama.
Uulitin ko, mahal kita... mahal kita.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top