What's new

Closed Mahal ang bigas pero mas mahal kita

Status
Not open for further replies.

La Freak

Forum Master
Joined
Jan 16, 2013
Posts
7,947
Reaction
13,438
Points
5,228
Andito na naman si Freakó
Naghihintay na mapansin mo
Gumagara ang estilo
Baduy man sa mga mata mo

Sabi mo'y wag akong lumapit
Pero bat mahigpit ang iyong kapit
Ganyan ba kayong mga babae?
Di ko talaga ma-pinta at mawari

Andito na naman si Freakó
Kunyare makata at disente
Para lang sa mata mo'y umamo
Magpapaka under pa kunyare

Ang saya mo talagang tumawa
Nawawala ang aking pagod
Parang sabon ngalan ay perla
Napakalambot pag hinahagod

Bigyan mo ako ng pagkakataon
Na ikaw ay kantahan
Hindi ka magsi-sisi
Para bang ika'y nahubaran

Ng mga problema at hinanakit
O irog kong kaakit-akit
Wag mo na sanang ipagkait
Na ako sayo ay lumapit

Hahalikan, aalagaan
Dalhin mo ako kahit saan
Hindi mo to pagsisisihan
Kayat please lang pag-tyagaan

Mo na ako at igapos
Mga kamay mo sa aking bisig
Kasi hindi ito matatapos
Ang nararamdaman kong pag-ibig.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top