What's new

Maglalabas lang ng sama ng loob

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Syver
Magkakaproblema ata boss dun sa COE ko sa Alfamart di ko pa kasi nakukuha yun may charges daw kasi. Which is dapat hindi sa employee ikakaltas yun :( sa 7/11 Diretso B.O yun samin Charges 😪
 
[XX='Syver, c: 557890, m: 72488'][/XX] Naka upload na pre. Sana makapasok
 
na nasayo na yan boss. pero ako kumikita ako online since 2011. bread and butter ko na to.
nag start ko sa pag rent ng pc. tapos broadband stick.
hirap din sa internet. kung may diskarte ka may kikitain ka talaga. May smart phone ka dapat ginagamit mo yan para kumita. kumita nga ko 10k last month cp lang gamit ko. no offense boss pero tingin ko tamad ka.
tamad ako boss, pero tingin ko mas tamad ka.
Sa probinsya din ako nakatira. karamihan ng sahod dito 300 lang. swerte mo nalang pag nasa gobyerno ka tapos regular.

wala din ako natapos boss. 2years vocational IT lang natapos ko. pero iniba ko mind set ko, di kasi kami mayaman. wala din kaming properties or farm. Dati nag start din ako sa mga free net na yan. nag hahanap ng money online. grind lang ng grind. GL sayo boss.

Advice ko sayo makinig ka ng mga inspiring videos yung magpupush sayo.
 
Boss alam mo naman seguro to noh? " Life is unfair"
pero ganyan talaga eh. Sikap at tyaga lang tayo boss kaya rin yan makakahanap ka din ng trabaho
pero boss sino ba yang gag*? Baka gusto nya sumikat tignan natin kung mataas ba repotasyon nya😂
 
Hayaan mo na haha baka palabasin pa na kami yung masama. balasubas tawag sa mga taong ganyan kung ibang tao yan murahin pa sila.
 
[XX='U r e k, c: 557556, m: 573400'][/XX] tama ka jan, tumulong muna sa trabaho sa magulang, pero wag ka titigil maghanap ng mas magandang trabaho. alam ko may nakalaan sayo na trabaho na pwde tumulong sayo makaipon para maging seaman ka 😊 Magtiwala kalang sa Diyos. 😊
 
yep lalo nat pag hindi ka college graduate . kasi ako halos alang mapasukan na maayos dagdag mo pa ung physical appearance ko na masyado akong mahilig kumain hirap kung hindi pa dahil sa connection ng family ko sa goverment dako magkakatrabaho jusko .
 
Oo goods yan idivert mo lang attention mo sa iba para di ka masyadong mastress. Wala na talagang madalin ngayon kaya sipag at tyaga kailangan. Konting tiis aasenso din tyong lahat
 
Saludo ako sayo TS ! Marangal ang trabaho nyo ng tatay mo. pero advice ko bilang isang workers mag demand po kayo magsalita kayo wag kayo tahimik lang halimbawa sabihin nyo ano mga kailangan nyo pag mag gagarden, pagpuputol paglilinis sabihin nyo rin magkano ang rate nyo para alam ng nagpapalinis kasi kung tahimik lang kayo malay ba ni nagpapalinis at dapat may maayos na usapan kasi sa nakikita ko sa kwento mo walang maayos na usapan between kayo ng father mo at yung nag papalinis ng bakuran.
 
ganitong ganito din ako dati TS. gardener din nanay at tatay ko. tapos ako nagpapart time sa canteen.. napasok ng 5am tapos uuwe ng 11pm o 12pm. tapos ang sweldo lang 150.

pero nagsikap ako. napasok ako sa school kahit walang baon. minsan naglalakad ako makatapos lang.

ngayon tingin ko nagbunga naman ung mga sakripisyo ko dati. ung dating 150 na kinikita ko mula 5am-11pm ng gabi. per hour ko nalang ngayon. di pa man ganon kalaki kinikita ko pero tingin ko worth it pa din kasi dati sobra2x pagod na ginawa ko para lang makuha ko yun.

sana mainspire kita kahit konti. wag ka lang titigil mangarap TS, isipin mo nalang di ka palage nasa ilalim. may time na itataas ka din ng diyos.
 
mahirap talaga ang buhay lods, basta kahit ano man ang ibato sa atin ng tadhana, tanggapin lang natin.. basta wag lang susuko... ituloy lang ang pagsusumikap..

buhay din namin nuon, "agtudtud" sa ilocano, namumulot kami ng tira tirang mga butil ng palay sa bukid para lang may kita.

tibayan lang ang loob lods.. ✌️
 

Similar threads

Back
Top