What's new

Maglalabas lang ng sama ng loob

T O J i

Nöté Deóbfuscâte♎
Elite
Joined
Jul 21, 2016
Posts
11,660
Solutions
8
Reaction
46,040
Points
7,587
Isa lang kaming Caretaker dito sa amin dahil nga sa hirap ng buhay wala ng kakayanan makapag bayad ng upa sa bahay "Bakit Hindi ka Magtrabaho"? Sinubukan ko rin mag apply kung saan saan lagi ako pinapaasa. Kahit anong sikap na gawin ko maglakad ng malayo para makatipid ng pamasahe naaawa kasi ako sa Tatay ko imbes na panggastos napupunta lang sa pamasahe ko. Kaya ngayon dahil wala akong nahanap na trabaho tumutulong muna ako sa sideline ni papa (Gardening)



Kilala na kami dito sa Village Minimum wage namin 300 pesos sa paglilinis ng garden, Minsan may tumatawad kahit alam namin na Lugi pinapatos namin para may perang panggastos lang. Bali kahapon may nilinisan kami 250 lang binibigay samin pero okay lang atlis meron diba? Akala namin yung mga Grass lang lilinisan nag suggest sila kay papa "Manong" Baka kaya nyo to putulin (Puno) Putol na sya bali may onti pang natitira 5 Inches ata yung laki nun may taba na 4 inch gusto kasi nila ipatag para daw maganda tignan sabi ni papa (medyo nagdadalawang isip) di ko po alam kung kaya to tanggalin kasi alam ni papa parang Fresh pa yung kahoy, tapos marinig rinig namin nakikipag usap sya doon sa katulong niya "Paanong hindi kaya gato gato na yung kahoy" ako naman wala ako ideya kasi grass lang talaga alam ko putulin saka maliliit na sanga mahina ako sa mga putol ng matatabang puno. napasabi na lang si papa kasi medyo nahihiya din sige titignan ko tapos nagsasalita yung may ari ng magkano hindi ata narinig ni papa kaya hindi nakapagsalita (Faulty namin talaga to). iniwan muna ako ni papa saglit kasi magpapakain pa sya ng alaga nyang kabayo bali kailangan muna putulin yung mga damo nila bago umpisahan yung mga puno na yun. noong matapos ko na gawin yung pagputol ng damo sakto tapos na din si papa magpakain, Pagdating ni papa napatanong sya binigyan ka ng lagyanan ng basura? Sabi ko hindi,napasabi si papa dapat sila magprepare nyan eh, ilang beses na kami naglinis dun pero kailangan pa sabihan na kailangan namin ng trash bag or sako para paglagyan ng kalat, kami na nagprepare ng sako, Medyo ito na inumpisahan namin yung pagputol ng kahoy nila na sobrang kunat, yung balat lang pala yung gato saka yung taas. Si papa dun nag umpisa sa sinabi sa kanya na gato gato na daw, ako naman dun sa tatlong puno na may 3-3.5 Inch na taba (Bulok na daw kasi) Bulok yung isa pero yung dalawa fresh pa inoonti onti ko yung putol anim na putol kailangan kasi alanganin nung puputulin ko na yung ilalim niya yung isa basic lang tanggal agad yung dalawa ang hirap kasi ang liit ng space di ko matudo yung lagari(pang puno malaki yung ngipin) sabi ni papa onti ontiin mo mapuputol din yan, sabi ko naman kay papa sige pa. napansin ni papa medyo nahihirapan talaga ako putulin tinulungan nya ko hirap din sya kaya pinalakol na lang nya (kakatapos nya lang putulin yung 6inch na puno) Muntikan pa nga sya mataga sa paa mabuti na lang nakaboots sya. ayun tumalab tapos maya maya nagulat kami sabi ng katulong wag nyo kakalimutan yung puno ng langka puputulin din yun "Napaisip ako? Ano? Akala ko ba dito lang yung puputulan bakit kasama yung sa labas? Faulty namin na di nagbigay ng presyo pero mas lugi kami kung pineresyuhan agad namin labas pa sa usapan na kasama yung Langka nila na may 8ft na taas tapos may tabang 7 Inch(Bulok din daw kasi) Takte same issue din Gato yung balat pero kunat ng katawan 😆 Sige okay lang kayo naman magbabayad samin. pagtapos namin gawin lahat ng utos nila sabi ng katulong magkano sabi ko 700 po sabi nya ha? 250 lang yung iniwan sakin eh sabihin ko na lang mamaya yung kulang.

250 presyuhan nila sa paggupit ng damo pero yung sa puno wala pa. 450 lang singil namin sa pagputol ng puno nila pero kung sa iba nila paputol yun baka isang libo pa singilin sa kanila.

Tapos ito na. bumalik ako kinabukasan sabi ko tao po nakita ko yung may ari sabi niya sakin "Oy pwede pakiusog naman ng kulungan ng aso" Sabi ko sige po try ko, Sabi nya naman "Kaya mo ba?, Baka masobsob yung paahan eh, Anong oras ba darating papa mo?"., Sabi ko "mga 12PM po.", Sabi nya naman "Sige mamaya na lang dadagdagan ko naman bayad sa inyo" Sabi ko naman "Sige po"..

Tapos 11:57AM dumating si papa sa bahay kumain ng kunti sabay dumerecho na kami agad doon sa pinaggawaan namin tapos nung kinatok namin yung bahay sabi samin ng babae "Wala pa po dito si ate may pinuntahan, Hindi na kami umimikni papa" Pero inayos pa din namin yung kulungan ng aso nila.

Tapos badang 4PM bumalik ulit ako dun para kuhanin yung pinangako niya. sabi ng katulong niya "hala tulog pa" Balik ka na lang mamaya.

Sinabi ko na lang kay papa. "Pa, Huwag na natin kuhanin yun kasi kung may balak yan ibigay pwede nya naman iwanan sa katulong nya yung pera.
 
dun palang sa part na hirap ka humanap ng trabaho di kuna tinuloy dama kuna kasi yung sakit 💔 basta keep moving lang boss tawanan lang ang problema na parang nababaliw 😅 sana nakatulong ako hahaha
 
lakas naman ng loob nila mag utos ng ganun tapos di mag babayad suus taking advantage kasi alam nila wala kayo magagawa. mga tao nga naman haysss.
 
hayaan mona lods may balik sa kanila yun pero wag ka sana magtanim ng sama ng loob kahit kanino mas lalo ka lang maiistress ..basta sikap lang lods makakaahon din kayo sa kahirapan
 
Sana i touch ng Panginoon ang puso nya para matauhan sa kanyang nagawa. Kaya mo yan ts! Kaya mo yan.
 
Nakakabilib ka ts. Ituloy mo lang ang laban sa buhay. May awa ang Diyos 🙏 Tandaan mo kung sino yung naaapi yun ang iaangat ☺️
 
Nakakalungkot pero ganyan talaga ang tao, ayoko narin sa tunay na buhay pero bilib ako sayo kung ako nyan susuko agad ako. masipag ka pre haba din ng pasensya mo basta masasabi ko lang sayo laban lang sa mundo wala naman tayong magagawa ganyan talaga

napatanto ko ulit kanina ang galit ko sa mga tao, bakit pa ba tayo binuhay haha. sumuko na ko ayoko na, pero kung ganyan ka kasipag ituloy mo lang bilib talaga ako sa sipag nyo
 
Last edited:
may nas worst pa nga dyan 4hrs gawa namin 120 lang binayad napakamot ulo ako okay lang sana kung damo lang pinabuhat pa kami ng nara na lamesa tapos mali pa yung lokasyon na pagdadalhan di man lang nagsabi
 
wala akong karapatan sabihin ito dahil wala na talaga akong makuha na diterminasyon sa buhay pero bilib talaga ako sa mga kagaya mo
 
Di naman maiiwasan sumama ang loob pero di kami magtatanim ng sama ng loob doon, Di nga lang sila makakaulit hanap na lang sila bagong gardenero
 
Di ko rin masasabi ang tadhana eh basta bahala na. Thanks sa Compliment ^^
 
si papa mas masipag nagwawalis ng maaga sa mga bahay bahay, Medyo nakakahiya kasi parang nanghihingi si papa pero kahit magbigay o hindi winawalisan nya parin
 

Similar threads

Back
Top