What's new

Maglalabas lang ng sama ng loob

Sinabi ko nga kay papa, Pa, Magkaroon lang ako ng regular na trabaho tigil na tayo sa gantong trabaho. Hindi ko lang kasi panahon ngayon pero balang araw papalarin din ako
 
Ouch 😢 di ko na natuloy pang basahin, nasasaktan nako 1st paragraph palang. Lungkot na nga ako, tapos ito pa mababasa ko huhu. Keep strong boss. Everything will be alright.
 
[XX='U r e k, c: 556634, m: 573400'][/XX] btw paps ang ganda ng trabaho nyo hehe nag papakain ng kabayo favorite kopa naman ganyang trabaho
 
[XX='U r e k, c: 556705, m: 573400'][/XX] paps gawin mo talaga paps , sumasagot talaga sila sa mga humihingi ng kaunting tulong sureball yan paps tawagan mo lang, maganda tayming mo pag live na nila ng serbisyong bayanihan alas kuwatro ng hapon sa untv you tube channel nila
 
Las Piñas lang po, age 21
2yrs Graduate (Visual Graphics)(VocationL course)
Ace hardware - Pahinante / warehouse men
Alfamart Service Crew - Di ko nakuha coe ko dito kasi may charges daw kailangan mun daw bayaran.

Latex Corp. As Machine Operator di ko natapos contract kasi nagresign ako wala kasi permanenteng pwesto doon nilipat ako sa Oven ng guma tapps kailangan pa namin waswasan yun ng tubig pasma aabutin ko kaya nagresign na lang ako 4months din yun
 
si papa lang nagawa dun pero kapag alam ko masama pakiramdam nya sinasamahan ko kumuha ng pagkain ng kabayo baka mapaano eh
 
kapag may napapanuod, nababasa, nakikita or nraranasan ko yung ganyan na may kaya sa mahirap, nasasabi ko life is so unfair. people is unfair, though hindi lahat. ipinapasaDiyos ko nalang sila. kasi mas naniniwala ako na Digital yung karma, na ang Diyos na yung gagawa ng consequences sa mga action nila. dahil mas magiging masama kung gaganti pa tayo. wag tayo magalala dahil hindi naman tayo papabayaan ng Diyos if may taong magtake advantage satin. have Faith lang saknya and He will provide 😊 Fight lang kuya, malalampasan din natin yung mga ganyang problema. mas mabbless tayo at hindi sila. 😊 basta patuloy tayo gumawa ng tama. and try mo magkaroon ng raket sa course na natapos mo. madami nagkalat na online job na pwde sa course mo. tyaga tyaga lang tayo sa paghahanap. 😉
 
parang karanasan ko sa pag eedit ng mga logo (sideline lang)
"pagawa nga ng logo"

"sige"

"magkano?
"
"1k starting price".

"a wag nalang, mahal. madali lang naman yan"

like what? kung madali lang ikaw na gumawa.
katulad ng experience mo, iniisip ng mga taong nagpagawa sayo nyan na madali lang naman yan at hindi na kailangan na bayaran ka ng malaki dyan.

Ang problema kasi, karamihan kulang o walang pagiintindi sa kapwa. Hindi na naiintindihan ang effort/oras/lakas na maaari mong magamit para matapos ang isang gawain.

Eto yung mga taong "sarado ang isip".
Kapag simula palang, sabihin na agad ang presyuhan. Kung ayaw pa, ligawan muna at ipaliwanag kung bakit ganon ang presyo, kung ayaw wag kulitin.

Saka wag matakot na mag dagdag ng presyo! Lalo na kung kayo lang naman ang nagawa niyan sa lugar nyo. Less supply, dapat more demand.
 
Para sa akin ts kung mag-tatrabaho kayo ng tatay mo pag nagtanong yung may-ari tungkol sa bayad ng gagawin nyo para sa knila wag kayong mahihiyang magsabi kung magkano sisingilin nyo tsaka dpat bago kayo magtrabaho dapt maayos at malinaw yung usapan kung magkano bayad, wag kayo mahiyang maningil sa pinagtrabauhan nyo pinaghirapan nyo yun tsaka sila dpat mahiya sa inyo.tsaka wag ka mawawalan ng pag-asa kung nd ka nakukuha pag nag-aapply ka may nakalaan para sayo kaya apply lang ng apply.
 
may mga tao talagang mapagsamantala paps..purke alam nila na ganyan lang katayuan sa buhay..keep strong lang paps..
 
Napaka sipag mo naman pala at napakabait na anak. 😍 Galingan mo lang paps suswertihin ka din sa buhay. Mabuhay ka. Hayaan mo na lang yung mga taong ganyan mga walang puso 😌
 

Similar threads

Back
Top