"LIWANAG"
BUSILAK nang ika'y aking nasilayan
Na AROK ko kaagad aking naramdaman
Na animo'y ALUMPIHIT aking paningin
Sa puso't isip ko'y sasambit-sambitin
para bang ako'y nasa PIGING
Na SAMBAT mo itong aking damdamin
Ang KALUPI ko'y nakatipid
Sa ALIMUSON mong mamahalin
NANINIBUGHO aking damdamin
Tuwing ang iba'y sayo nakapaligid
Labis PANIMDIM 'pag wala sa paningin
Itong inggit lumamon sa akin
Napapa isip ako tuwing nariyan sila
TAMPALASAN tingin ko 'pag kasama ka nila
Pagkat ikaw ang KATIPAN nitong pandama
Ang mawalay ka'y labis ikasasama
Mundo ko ay napakalupit
Sumapit ka, bigla nang MARIKIT
Napuno nang langit di katulad noon
Ikaw at ikaw ang liwanag ko ngayon
BUSILAK - PURE/WHITE/KIND
AROK - TO UNDERSTAND
ALUMPIHIT - BEING BOTHERED
PIGING - PARTY
SAMBAT - FORK
KALUPI - WALLET
ALIMUSON - SCENT/AMOY
NANINIBUGHO - SELOS/JEALOUS
PANIMDIM - DEEP SENSE OF LOSS
TAMPALASAN - TRAITOR
KATIPAN - NOBYA/NOBYO
MARIKIT - PRETTY/BEAUTIFUL
Spoiler contents are visible only to Established Members.
MABAGSIK NA LIKHA NI:
Mad`ThePoetMotivator
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.