What's new

Poems "Ligawan Noon at Ngayon "

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
26,039
Solutions
6
Reaction
66,690
Points
16,695
Noon.....
Kahoy ay sinisibak at madalas nagsisipag,
Tubig ay iniigib hahamakin lahat para sa pag ibig
Mabangong bulaklak pinipitas upang ialay at ibigay
sa babaeng iniibig.


Ngayon.....
Cellphone ang madalas hawak ng kamay,
o di kaya sa harap ng computer, nakatambay
naghaharutan at sa kinalaunan
"In a relationship" na agad ang patutunguhan.

Noon....
Matagal-tagal ding pagsusuyoan
ang dalagang iyong natitipuhan
Nagpapakipot pa nang husto
Bago nya ibigay sayo, ang matamis nyang "oo".


Ngayon...
Isang text o chat lang ang katapat
mga banatan at pick up lines lang sapat
mga pambobola at nakakakilig na linya
mahal na raw ang isa't-isa,
Kaya naman , "M.U." na agad sila.



Noon.....
Harana ang pamamaraan
isang malambing at masuyong awitan
sa may bintana dumudungaw
pinaparating ang panliligaw
lumilikha ng matatamis na awit
upang dilag ay maakit at mabingwit.


Ngayon......
Sa Makabagong milenya

sadyang kakaiba
Mga kababaihan ay naglalagi na
sa bahay ng lalake
Nakakulong pa sa kwarto
at nakagawa na ng milagro.
kaya tuloy sa murang edad
nagkakaroon na ng responsibilad.




Noon.....
Madalas na sa bukid ang tungo
duon mamamasyal may sariwang hangin at presko
may kasamang "chaperon" pa nga
o kaya naman duon sa mumunting park ang tagpuan

kumain at masayang nagkwentuhan.

Ngayon.....
Sa mall na madalas ang pagkikita
isang tawag o chat lang ikaw naman ay tuwang tuwa,
Maglaro sa "arcade" o manood ng sine
marami ng mga lugar na mapagtambayan
sa damuhan, sa batuhan... uso na PDA kahit saan.



Noon......
Dinadaan sa Liham ang pag ibig

may patula sa binibining puso'y kinakabig
handang maghintay kahit pa gaano katagal
Kahi pa sariling buhay ay handang ialay.



Ngayon.....
Sadyang makabago na ang mga kababaihan
hindi ko nilalahat kasi may mga tradisyonal pa din naman
at taliwas pa din sa makabagong pamamaraan.
Datapwat minsan masakit isipin,
kagandahan nila ay sadyang mabilis ng maangkin
Bihira na ang seryosong ligawan,
Unti unti na ding umiikli ang dapat sana'y relasyong pangmatagalan.


Di naman sa taliwas ako sa modernong pamamaraan'
nang ligawan at suyuan,
kahit pa man sa anung pamamaraan mo siya ligawan
ang mahalaga totoo ka sa kanya at wagas ang iyong nadarama,
Nakadependi pa rin ang lahat sa taong maunong makuntento at magtapat
yung pinapahalagahan ka dahil ikaw lang sapat na
at di na lumilingon pa sa iba
may iilan pa din naman na matitino at handa kang ipaglaban
kahit pa anung balakid ang pumagitan
hinding hindi ka pakakawalan
dahil ikaw ang bukod tangi sa kanyang puso't isipan.









❤️~Professora Akira~❤️
 
Last edited:
napapanis daw kasi yung matamis na oo kinabukasan.. kinabukasan basagan na ng mukha at hiwalayan.. :eek::eek:
at yung iba di na napapasagot ng matamis na OO kasi wala naman sasagutin kundi yung katabing bato sa daan.
dami na naman magrereklamo ng partner sa feb. nito. :ROFLMAO::ROFLMAO::ROFLMAO: atleast proud single naman daw 👊👊👊

isa po talaga kayo Makata Professora Akira
 
napapanis daw kasi yung matamis na oo kinabukasan.. kinabukasan basagan na ng mukha at hiwalayan.. :eek::eek:
at yung iba di na napapasagot ng matamis na OO kasi wala naman sasagutin kundi yung katabing bato sa daan.
dami na naman magrereklamo ng partner sa feb. nito. :ROFLMAO::ROFLMAO::ROFLMAO: atleast proud single naman daw 👊👊👊

isa po talaga kayo Makata Professora Akira
ahahah salamat sa pagdalwa sa thread ko hehe ok lang yan marami naman di ka nag iisa;)
 
Back
Top