"laro"
Ikaw itong aking, tanong sa isipan
Ako man ay gising, ika'y napapanaginipan
Kung iyong mamarapatin, at dinggin
Mga tanong sa isip ko, nais kong sambitin
Buhat nang, ito'y napagtanto ko na
Isang tulad mo, bubuluga sakin pala
Hindi naman, nakipagtaguan
Ngunit, hinahanap kita at nais sulyapan
Kay bilis naman, tibok ng puso
Habu-habulan, siguro ang laro mo
Mga oras na, kay tagal pagmasdan
Siya rin palang, bilis na lumisan
Kung maaari, lamang sana
Ikaw ang ina, at ako ang ama
Sa bahay-bahayan, nitong aking pandama
Wala mang sasaya pa, kung maging tayo na nga
Ako'y nagdadalang tao, at ikaw ang ina
Sa mga titig mo pa lamang, di makapagsalita
Pagkat alam ko, dito sa sarili ko
Kailanman, di ko pa nadama noon ito
Ikaw ang dahilan, kung bakit ako lumaban
Sa aking nanay, na ako'y sinigawan
Umuwi na raw ako, at tama na ito
Oo alam ko naman iyon, dahil tamang ikaw ang napili ko
Natuto ako, na ipaglaban ka
Kahit magalit si ina, sa akin talaga
Ipagpipilitan ko, ang makasama kita
Dahil alam ko na, hirap pag malayo ka
Laro man ito, para sa iba
Ngunit ang alab, nitong aking nadarama
Walang katumbas, maski man alahas
Itong ligaya, sayo'y ipaparanas
Alam mo ba, ang hirap ng wala ka
Sa bawat araw, na hindi tayo magkita
Maging ang mga hapon ko, ay wala nang bukas
At ang nakaraan, tuluyan nang kumupas
Ngayon, nagkaisip naging binata
Kung kailan, natuto at nakaunawa
Yung mga laro, natin dati
másáráp kung binalikan, siyang namumukod tangi
Parang kay labo naman, ng mga sagot sa akin
Di pa ba malinaw sayo, ang aking pagtingin
Ang maging bilanggo, sa laro ng nakaraan
Siya ngayon ang aking, sineryosong kapalaran
Kung kaya't, sana ay sagutin mo ito
Linawin mo, gaya ng paglilinaw ko
Ang mga kataga, na nais kong marinig
Nakahanda ako, kaibigan man o pag-ibig
Mad`PoetMotivator