What's new

Poems Laro Ng Pag-Ibig

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,961
Solutions
6
Reaction
66,430
Points
16,638
Tagu - taguan, maliwanag ang buwan
pagbilang ko nang tatlo,nag iba ang ikot ng aking mundo.

Isa—
Unti unting pumapatak ang aking mga luha
dahil ika'y di na muling makikita,
Simula ngayon ikay aking pinapalaya,
Dahil batid kong tayo'y pinaglalaruan lang ng tadhana,
Si kupido minsan ay sumasablay sa pagpana,
sa halip na sa iba,tinamaan tayong dalawa,

Nabulag tayo sa paniniwalang ,
mahal ang isa't isa,
Duon nagsimulang bumuo ng
napakakulay na mundo,
Tanging nakakaalam,ay ikaw at ako,

Ba't ganun,ginawa ko man lahat
ngunit ito't di naging sapat,
mga balakid na pinagdaanan,
at pilit na nilalabanan,
Nabuo ang kwentong pag ibig na akala natin
walang hanggan,

Tila isang maiking pelikula,
may tagpo ,may eksina,
Ikaw at ako ang laging bida,
May tagpuang ubod ng tuwa at saya
pero hanggang duon na lang pala
magtatapos ang kwentong nakalathala,

Dalawa—
Nag iba na ang takbo ng kwento,
May umeksinang bago mong nakatagpo,
At ako'y biglang nawala sa eksina
na parang tinangay ng hangin at bula,


Kakaibang kirot sa puso ang dumapo
Di ko mapigil ang aking na liliyab na puso,
Ang dating puno ng saya ay napalitan
ng lungkot at hinala,
Parang unti unti na tayong pinaglalayo,
Napapagod na din ako sa kakahabol at takbo
mistulang nangungulilang puso.

Hanggang kailan mo ulit mapapansin,
At maririnig sa labi mong akoy
mahal mo pa rin,
Sa puso mo kaya'y akoy may puwang pa
O sa kanya ikay nahulog na?

Kung sago mo ay Oo,kailan na kitang bitiwan,
at sa kanya ipaubaya ng lubusan,
Sa unang tagpo nyo pa lang
batid kong sa kanya ka sasaya,
Siya na ang tunay na sayo'y napapaligaya
Nagbibigay ng matamis na ngiti,kilig at tuwa,
na sa akin ay si mo nadarama,

Tatlo-
Kailangan ko ng magparaya
at sa kanya ikaw ay aking pinauubaya
masakit man na ikay iwan,
ito lang ang pinakamabuting paraan
Kailangang tanggapin na lamang
na tayo'y hanggang dito na lang.

Sadyang nakakapagod magmahal minsan
lalo na kung ipipilit mo ang iyong sarili
ikay patuloy na masasaktan,
Tandaan mo lang mahal kita
at minsan masaya ako at nakilala ka't nakasama,

Ang kwentong sinimulan ,dapat nang wakasan,
Di naman kasi lahat nagtatapos sa kasiyahan,
ang mahalaga sa pagbuklat ng bawat pahina,
tayo'y may natutunan,
at di mabubura dahil
ito'y nakaukit na,


Dito nagtatapos ang pagbibilang ko,
pero may dalang mga pangako,
Pagsapit ko ng Tatlo,
Ibibigay na kita sa kanya ng buong buo,
Sana ay ingatan ka at mahalin ng totoo,
Paalam na sayo ,sinta ko.






❤️~Professora Akira~❤️
 
Para san ang mga samo't saring bagay sa paligid?
anong meron sa loob na tinuturi nilang pag-ibig?
 

Similar threads

Back
Top