![if-you-sweet-love-quotes-cant-get-someone-out-your-head-maybe-su.jpg if-you-sweet-love-quotes-cant-get-someone-out-your-head-maybe-su.jpg](https://phcorner.net/data/attachments/4403/4403007-c7bade48a871893ae94bdf132ae14883.jpg)
"LARAWAN"
Itinuring kong BALANI ang larawan mo
Pagkat NADAGIT mo itong damdamin ko
Gamit itong aking mga mata
DAGLIANG namulat sa'yong ganda
Ang gayuma mo'y BALINTUNA
Sa taglay nitong nakamamangha
Pagkat nang aking tiningnan
Naakit mo ako nang tuluyan
Malinaw pa sa aking paningin
BANAAG na dulot mo, tuwing titingin
Para bang nasa BAYBAY-DAGAT ako
BAKAT ang kislap sa mga matang ito
Apoy nitong aking damdamin
NagBUHAY-ILANG kung tawagin
Pagkat nagbabaga itong ******
Katangiang pinamalas mo sa akin
Larawan pa lang ay ulam na
Larawan na aking sinasamba
Sa tulad mong napakaganda
Mapansin sana, pag-ibig ko sinta
"Larawan - isang bagay na nagpapakita ng intensyon. Intensyong makapagpangiti o makapagpahayag ng saloobin. Larawan dahil iyan ay kailangan, upang ating masulyapan ang pangyayari ng BUHAY. Napaka Bagot kung ang buhay natin ay walang LARAWAN. Anu pang silbi nang ating mga paningin? kung tayo'y bulag sa pagtingin. Larawan ang simbolo ng buhay ko, ang larawan nang makilala ka ng buong buo. larawan ang maging parte ng buhay mo, larawan ang mapangiti kita ng bukal sa loob ko. Ngunit kung ito'y iyong lilimutin, itatago mo lamang at di na muling lingunin. anu pang silbi ng larawan mo sa akin. Kung sa ala-ala mo'y ako'y alipin.
Buhay natin ay kailangan it. Kung walang larawan paano na tayo?
Paano mo maipapakita ang pamilya mo, o maging ang iniibig mo
kung simpleng salitang larawan ay wala sa buhay mo."
MABAGSIK NA LIKHA NI:
Mad`ThePoetMotivator
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.