What's new

Closed "kung pagkakamali na ibigin ka"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
6dc37b83fdef5bbdc3242f8934354f8a--morning-love-quotes-good-morni.jpg






"Kung pagkakamali na ibigin ka"



Naniniwala ako sa mga sabi-sabi
Natututo tayo sa pagkakamali
Kung kaya't hindi dapat matakot
Kung sa pagkadapa ikaw ay masangkot

Handa akong akuin lahat ng daing
Mula sa mga tao na nakapaligid sa atin
Husgahan man nila kung anong meron tayo
Ayos lang pagkat di naman sila ang pakikisamahan ko

Hindi ko kailangan maging tama
Walang dapat baguhin sa kanilang paniniwala
Kahit pa tumutol maging ang mga tala
Handa akong ipaliwanag ang pagmamahal sayo sa kanila

Kung hindi man tayo para sa isa't-isa
Pwes gagawa tayo ng paraan para maging tayo na nga
Hindi ko kailangan ng isang manghuhula
Dahil ang nararamdaman sayo'y seryoso na

Kung pagkakamali na ibigin ko ang tulad mo
Handa kong panindigan ang desisiyon kong ito
Hindi ko aalintanain kung magkamali ako
Kung sa piling mo naman ay muli akong matututo




863570dc638415d4e6634102d9d32e02.jpg
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top