What's new

Closed "kung ang nakaraan nga nakalimutan ko na, ikaw pa kayang nanakit sakin at nangaliwa"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146

imageedit_1_5175731945.jpg



"Kung ang nakaraan nga nakalimutan ko na, ikaw pa kayang nanakit sakin at nangaliwa"



Bago ang lahat, nais kong malaman mo ito
Habang ang mundo ko'y umiikot sa iyo
Minahal kita ng higit pa sa inaasahan mo
Subalit, hindi pa siguro naging sapat sayo

Minahal kita sa lalim ng aking pag-ibig
Sin lalim ng dagat sa ating daigdig
Walang ibang ngalan ang tinitibok nitong ******
Ang bawat ngalang tumatakbo sa aking pag-iisip

Kay raming segundo ang naging ating samahan
Sin dami pa ng minuto na ating naging karanasan
Di mabilang na oras ang sa atin na nagdaan
Ilang mga araw pa ang atin pang nakakaligtaan

Lumipas nga ang mga buwan, tayo nga ay nagtagal
Ubod ng saya ang sandali kahit pa nasasakal
Kay dami ng pwede at mas marami ang bawal
Patakaran mo ang sinunod upang di mo ako iwanan

Ibinigay ko ang lahat sa paraang alam ko
Pinagsilbihan kita kahit literal na alila mo
Pinalagpas ang bawat panahon tuwing kasama ang barkada mo
At sinasabing kailan lang na naging tayo

Minsan napapaisip ako sa dami ng taon
Magkasama nga tayo pero tila ako'y patapon
Masakit lang sa ****** ang mga sinasabi mo
Kapag kaharap mo sila minsan hindi tayo

Bilang pa lang naman ang taon na meron satin
Subalit ang bilang na taon na ito matagal na para sakin
Pagkat ilang segundo pa lamang na di kita makakasama
Katumbas na ng taon tuwing mananabik itong aking pandama

Hindi lang naman ang isip ko ang laging nakakakita sayo
Maging ang mata ko'y nakikita kang tumatakbo
Hindi lang ang mga balat ko ang makakaramdam ng paglamig
Maging ang puso ko'y ramdam ang iyong panlalamig sa akin

Pero salamat na rin dumating ka sa buhay ko
Ang daming tama na naging kamalian ko
Na minsan ang mga maling ito ay hindi na maitama
Dahil sayo lahat ng tama malabo ko nang makita pa

Alam mo ba kung anu-ano ang mga maling nagawa ko?
Yun yung iniwan ko lahat maging ang pangarap ko
Magtrabaho ng maaga kesa mag-aral pa
Makapag-ipon lang ng sing-sing para sa ating dalawa

Mga pag-iwas ko sa aking barakada
Na minsan din namang nakabuti sa ating dalawa
Ang pagsuway ko sa aking mga magulang
Para lang makasama ka kahit na parang may kulang

Di ako lumingon sa aking pinanggalingan
Mas ninais kong sila'y aking iwanan
Dahil namili ako kung sino ang kabilang
Pinili kita kahit pa sabihin nilang ako'y hibang

Yun ba ang ibig mong sabihin kaya nagawa mo ito sa akin?
Na akala mo kasalanan ko lahat kung bakit ako ganito
Na inakala ko minahal mo ako ng labis at totoo
Na inakala ko tama itong akala kong meron ngang walang hanggang tayo

Pero salamat, at ikaw ay nagpaalam na
Isa itong katibayan na di ka sakin nakatadhana
Dahil sa mga pangyayari na ito sa ating dalawa
Mas nakabangon pa ako at ngayon ay masaya

Akala mo siguro hindi ko makakaya
Panahon lamang ang katuwang ko upang kalimutan ka
Kung ang nakaraan nga nakalimutan ko na
Ikaw pa kayang nanakit sakin at nangaliwa


mad | pro

 
magwala? haha
pakanan?
haha grabe ang lalalim naman ng kumento niyo..

marami pa kayong aabangan, kung may paharap


meron ding "PATALIKOD"
kumbaga.. saka lang sila totoo pag nakaharap subalit halimaw pag nakatalikod ka na ^_^
 
magwala? haha
pakanan?
haha grabe ang lalalim naman ng kumento niyo..

marami pa kayong aabangan, kung may paharap


meron ding "PATALIKOD"
kumbaga.. saka lang sila totoo pag nakaharap subalit halimaw pag nakatalikod ka na ^_^

I know you know what I mean.
Kahit gaano pa kalalim yan
 
Ah ok, sayang may birthday akong pupuntahan :)

alam ko namang kasundo mo ang panahon..
tila yata parehas kayong ayaw akong makaahon
mula sa mga paa kong nakabaon
sa pagkaka tapak sa maling pagkakataon

siguro nga'y kahit ilang beses pa nga
kung akin mang muling susubukan nawa
na ipilit na makita kita
baka ang pag-asang oo ay magbago pa
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top