Kaunting Oras
Tao po, tao po
Maaari ko bang mahiram ang oras mo?
Pasensya na kung nakakaabala
Ngayon lang 'to huwag kang mag-alala
May sasabihin lang sana ako
'Yun ay kung ok lang sa iyo
Sana pakinggan mo
Kahit alam kong wala kang oras para dito
Makikinig ka ba?
o sadyang abala ka?
oras para sa akin ay mailap ba talaga?
Baka naman prayoridad mo ay iba na?
Huwag sana akong sanayin
Sa mga ganitong gawain
Nasasaktan ako at napapagod din
Kakahintay kung kailan lamang papansinin
Nawa'y maunawaan mo
Ibig ipahiwatig nito
Ipinaaalam ko lang na naghihintay ako
Sa kaunting oras mo.
→ para po kay K I N J A Z na nagrequest na magpost ako ng tula ahihihi, salamat sa pag appreciate
Tao po, tao po
Maaari ko bang mahiram ang oras mo?
Pasensya na kung nakakaabala
Ngayon lang 'to huwag kang mag-alala
May sasabihin lang sana ako
'Yun ay kung ok lang sa iyo
Sana pakinggan mo
Kahit alam kong wala kang oras para dito
Makikinig ka ba?
o sadyang abala ka?
oras para sa akin ay mailap ba talaga?
Baka naman prayoridad mo ay iba na?
Huwag sana akong sanayin
Sa mga ganitong gawain
Nasasaktan ako at napapagod din
Kakahintay kung kailan lamang papansinin
Nawa'y maunawaan mo
Ibig ipahiwatig nito
Ipinaaalam ko lang na naghihintay ako
Sa kaunting oras mo.
→ para po kay K I N J A Z na nagrequest na magpost ako ng tula ahihihi, salamat sa pag appreciate