What's new

Katoliko ka ba?

are you sure ba kapatid na "lahat" ng ginagawa at doktrina nila ay nasa bible? at ang mga doktrina ng simbahan natin ay wala ba talaga?

Can you cite one specific doctrine ng simbahan bro na nagdududa ka kung biblical? at doktrina din na tinuturo ng ibang sekta that you think is biblical? I wanna explain it to you din base sa kung ano alam ko base sa apologetics ng simbahan.

I'll be waiting for your response brother.
 
Yes, at marami na akong nakitang mga dating katolikong nagsilipat sa man-made churches sa kadahilanang hindi nila alam ang doktrina ng simbahan.

as I've said, can you cite one specific doctrine sa simbahan na nagdududa ka at doktrina din mula sa ibang sekta na nasabi mong "biblical"?
 
magaling ka mag paliwang, na intindihan ko lahat ng mga kinumento ma pm mo sana ako may tatanung lang
 
[XX='redjr29, c: 1264803, m: 896524'][/XX] ano po yung itatanong ninyo? direkta nyo na lang pong iPM sakin. susubukan ko pong sagutin ayon sa nalalaman ko.
 
iisipin ko na gawa gawa kalang at gawa lang tayo sa primordial soup ( theory ) hanggang ngayon theory parin at hindi parin kaya gumawa ng isang maliit na cell ang mga atheism scientist ito mahirap pag ito naka away mo mga scientist hirap ipasok sa kukute nila na may gumawa sa lahat hindi yung theory theory nyo nalalaman
 
[XX='angelo cruz, c: 1311536, m: 178698'][/XX] Ang pangit ng argument mo. Strawman fallacy. Ang theory ay nakabase sa observation na inexperimentuhan ng mga scientist. Ang bibliya ay compilation lamang mga kwento na walang basehan. Hindi ibig sabihin dahil hindi kaya gumawa ng maliit na single cell ang mga scientist ay yung diyos mo na ang gumawa sa universe.

Maraming mga posibilidad na pwede iconsider, pwede may diyos na gumawa sa universe at namatay pag katapos. Posibleng may diyos at wala lang talaga siyang pakialam. Marami pa. Pero ni isa niyan ay walang kaming kinonsider na totoo, kasi haka haka lang at walang basis. Kasi kapag nagconclude ka kaagad na walang basehan, meaning huminto na yung kokote mo sa pag iisip. Kasi nagsettle ka na sa haka haka, ayaw mo na magreseach or magtanong. Bird brain.
 
yung pagtatalaga ng santo? bakit tao ang namimili nun? bakit nagpauso ng rosaryo? bakit binibinyagan ang bata? bakit naniniwala sila na minana natin ang kasalanan ni eba at adan?
 
yung pagtatalaga ng santo? bakit tao ang namimili nun? bakit nagpauso ng rosaryo? bakit binibinyagan ang bata? bakit naniniwala sila na minana natin ang kasalanan ni eba at adan?
iisa isahin ko lang ito bro. una ay tungkol sa pagtatalaga sa mga santo.

Ang Diyos ang nagtatalaga ng mga santo kapatid at ang Kanyang simbahan naman ang nagdedeklara nito sa mundo. Wala namang ibang pwedeng magdeklara nito kundi ang Kanyang tinayong simbahan hindi ba? Kahit nga si San Pablo ay tinawag na SANTO ang ilan sa mga Kristyanong kumunidad tulad ng nito:

Romans 1:7
to all who are beloved of God in Rome, called as SAINTS: Grace to you and peace from God our Father and the Lord Jesus Christ.

2 Corinthians 1:1
Paul, an apostle of Christ Jesus by the will of God, and Timothy our brother, To the church of God which is at Corinth with all the saints who are throughout Achaia

Ephesians 1:1
Paul, an apostle of Christ Jesus by the will of God, To the saints who are at Ephesus and who are faithful in Christ Jesus:

Katulad ng simbahan ay bakit si San Pablo ang tumatawag sa kanila na santo? Dahil si San Pablo ay KASAPI ng iglesiang tinatag ni Kristo na syang may authority para gawin ito. Nuon hanggang ngayon ay ginagawa na ito ng simbahan. Nuon paman ay may mga tinatawagan ng santo pero.....bakit ngayon sa ibang sektang protestante ay wala namang nagiging santo o dinedeklarang santo sa kanila kung sila daw ang tunay na simbahang tinatag?

Ang pilipinas diba bro ay may mga dinedeklarang bayani o hero na nag alay ng sarili para sa bansa. Ang mga santo din ay parang hero or role model ng ating pananampalataya dahil sila ay nag alay ng buhay para sa Diyos o di kayay namuhay ng naaayon sa kagustuhan ng Diyos. Dineklara silang santo upang maging role model o tularan nating mga Kristyano. sabi nga ni San Pablo:

HEBREWS 13:7
Remember your leaders, those who spoke to you the word of God. Consider the outcome of their way of life, and imitate their faith.

1 Cor. 11:1
And you should imitate me, just as I imitate Christ.

ANg simbahang tatag ni Kristo lamang kapatid ang may authority na magdeklara ng mga santo thru the guidance of the Holy Spirit. itoy wala sa ibang sektang tatag lang ng tao.
 

About this Thread

  • 42
    Replies
  • 2K
    Views
  • 12
    Participants
Last reply from:
Kuring

Online statistics

Members online
348
Guests online
5,481
Total visitors
5,829
Back
Top