- Joined
- Oct 13, 2017
- Posts
- 26,039
- Solutions
- 6
- Reaction
- 66,686
- Points
- 16,694
Alam ko sa simula't simula lahat ay mali,
parehong di tama pero pilit kinukubli,
kamalian na kung tawagin
pero patuloy pa rin
ika'y iibigin.
Oo nga't di na pweding ako'y mahalin mo pa,
dahil ang puso ko may nagmamay ari na,
pero sana hayaan mo ako,
na ikay manatili muna,
hiling ko lang,kahit na pansamantala.
Habang malayo siya,
pwedi bang ikaw muna ang aking kasama?
Maari bang ikaw muna ang papalit sa kanya?
Sa bawat pangungulila,maari bang ikaw
ang tagapunas ng aking luha?
Heto ako't umaasang hahawakan mo
pa din aking mga kamay,
upang tayo ay sabay na maglalakbay.
Sana habang wala sya,ikaw muna
ang magsisilbing aking liwanag at tala,
na lagi kung titingalain.
Maari mo ba akong samahan sa paglalakad,
kahit pa saan ang patutungohan at
sa malayo mapadpad?
Sana naman kahit sa kaunting sandali,
ako'y dadamayan mong muli.
Sana naman huwag ka muna
sa akin lumayo,
at tuluyan sa mata ko'y maglalaho.
Hayaan mo akong
namnamin ang saya na
sayo ko lang tunay na nadarama.
Hayaan mo sana akong humiling muli,
upang sa aking tabi
ika'y pansamantalang mananatili.
~Professora Akira~