What's new

Poems Kahit na Pansamantala

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,985
Solutions
6
Reaction
66,496
Points
16,652

Alam ko sa simula't simula lahat ay mali,​

parehong di tama pero pilit kinukubli,​

kamalian na kung tawagin​

pero patuloy pa rin​

ika'y iibigin.​

Oo nga't di na pweding ako'y mahalin mo pa,​

dahil ang puso ko may nagmamay ari na,​

pero sana hayaan mo ako,​

na ikay manatili muna,​

hiling ko lang,kahit na pansamantala.​

Habang malayo siya,​

pwedi bang ikaw muna ang aking kasama?​

Maari bang ikaw muna ang papalit sa kanya?​

Sa bawat pangungulila,maari bang ikaw​

ang tagapunas ng aking luha?​

Heto ako't umaasang hahawakan mo​

pa din aking mga kamay,​

upang tayo ay sabay na maglalakbay.​

Sana habang wala sya,ikaw muna​

ang magsisilbing aking liwanag at tala,​

na lagi kung titingalain.​

Maari mo ba akong samahan sa paglalakad,​

kahit pa saan ang patutungohan at​

sa malayo mapadpad?​

Sana naman kahit sa kaunting sandali,​

ako'y dadamayan mong muli.​

Sana naman huwag ka muna​

sa akin lumayo,​

at tuluyan sa mata ko'y maglalaho.​

Hayaan mo akong​

namnamin ang saya na​

sayo ko lang tunay na nadarama.​

Hayaan mo sana akong humiling muli,​

upang sa aking tabi​

ika'y pansamantalang mananatili.​

❤️~Professora Akira~❤️

 

About this Thread

  • 12
    Replies
  • 363
    Views
  • 5
    Participants
Last reply from:
Professora Akira

Online statistics

Members online
588
Guests online
5,101
Total visitors
5,689
Back
Top