What's new

Closed "kahit hindi pa sa atin ang pag-ibig"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
Fairy-_Tail-_Quote-19.jpg



"kahit hindi pa sa atin ang pag-ibig"



Ayos lang sa akin na maging takip sa butas mo
Kung ang butas na ito ang labis na nagdurugo
Mapigilan ko lang ang pagluha nito
Ng mga tumatagaktak na kulay dugo

Lalasapin ko na lamang ang bawat panahon
Tuwing pag-uusap natin ay biglang aahon
Mula sa di maipaliwanag na pagkakataon
Papahalagahan ko lagi magmula ngayon

Abutin man ng malayo tuwing mag-uusap tayo
Ngingiti pa rin kahit na magkalayo
Maiwan man ang puso sa dulo ng dulo
Mas nanaisin ko pa rin isipin ang ligaya mo

Wala kang maririnig mula sa akin
Maging sa puso ko pati sa damdamin
Hindi magnanais ika'y angkinin
Pagkat kaya kong ikaw ay hintayin

Bale wala itong nararamdamang sakit
Kung ang saktan ka niya ng pag-iwang malupit
Kung maaari lamang sa akin ka na kumapit
At kailanman ay di na makakaranas ng pait

Malugod akong iintindi at ngingiti
Upang sa gayon malimutan mo siyang muli
At tuluyan nang sakit sayo'y magapi
Mula sa pagkakakapit sayo ng matindi

Huhulma ako ng korteng puso
Gamit ang mga ngiti para sayo
Itataguyod ko ang pag-ibig ko
Ng walang hinihinging kapalit mula sayo

Iibigin kita higit pa sa pag-ibig
Lalagpasan ko anuman ang sayo'y aakit
Ibibigay ko ang lahat-lahat sa akin
Kahit hindi pa satin ang pag-ibig


-Madpro


 
hala kuya hindi ka naman vulcaseal eh, bakit ka gagawing panakip butas? D: anyway, good luck po sa inyo. I hope she's worth waiting for, bc youre one of a kind po :) isang wordsmith na malupit. btw, ang ganda ng tula, tagos sa heart haha.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top