renegade24winzam
Eternal Poster
- Joined
- Mar 14, 2013
- Posts
- 940
- Reaction
- 367
- Points
- 317
KAHIRAPAN
Maraming pilipinong hirap at hikaos
Dahil ang gobyernong sakim na nagpaparaos
Sa kaban ng bayang kanilang kinamkam
Sapagkat tayo noo’y namulat sa kamangmangan
Bayan sana nati’y maunlad ang pamumuhay
Kung ang pulitiko’y tapat at tunay
Kayamanan sana nati’y hindi mawawala
Kung ang namumuno’y may pananampalataya
Oh Inang Bayan bakit kami nagkaganito
Sarili mong bansa’y alipin ng dayo
Dahil sa namumuhunang ganid sa kasamaan
Kaming nasa ibaba ang nahihirapan
Kahit sa hirap na aming natatamasa
Hindi kami susuko sa banyagang mapagsamantala
Para sa pamilyang aming inspirasyon
Hindi kami titigil, kami ay babangon
created by: renegade24winzam June 6 2015
Maraming pilipinong hirap at hikaos
Dahil ang gobyernong sakim na nagpaparaos
Sa kaban ng bayang kanilang kinamkam
Sapagkat tayo noo’y namulat sa kamangmangan
Bayan sana nati’y maunlad ang pamumuhay
Kung ang pulitiko’y tapat at tunay
Kayamanan sana nati’y hindi mawawala
Kung ang namumuno’y may pananampalataya
Oh Inang Bayan bakit kami nagkaganito
Sarili mong bansa’y alipin ng dayo
Dahil sa namumuhunang ganid sa kasamaan
Kaming nasa ibaba ang nahihirapan
Kahit sa hirap na aming natatamasa
Hindi kami susuko sa banyagang mapagsamantala
Para sa pamilyang aming inspirasyon
Hindi kami titigil, kami ay babangon
created by: renegade24winzam June 6 2015